^

PSN Opinyon

Protektor ng POGOs pangalanan at parusahan!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

WALA nang tulugan ang mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police-Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG) sa paggalugad sa mga hinihinalang hide out ng mga Chinese na nagpapatakbo ng illegal Philippine Offshore and gaming Operators (POGO). Ayon sa PAOCC, 300 pa ang illegal POGOs sa bansa na kanilang minomonitor.

Kaya dumami ang POGOs ay dahil may padrinong dating opisyal ng Duterte administration. Isiniwalat ito ni Philip­pine Amusement and Gaming Corporation (PagCor) chief Alejandro Tengco. Sabi ni Tengco, ang dating Cabinet secre­tary ang nag-lobby para makakuha ng lisensiya ang illegal POGOs.

Una nang sinalakay ng PAOCC ang POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, kung saan daan-daang mga empleyado na karamihan ay mga dayuhan. Marami ring computers, SIM card at mga pang-torture sa mga biktima. Nakakuha rin ng mga uniporme ng Chinese Army sa Porac.

Noong isang araw sinalakay ng PAOCC ang Fontana Resort sa Pampanga kung saan naaresto ang tatlong Chinese na pinaghihinalaang big boss ng POGO hubs.

Natitiyak ko na sa pagsiwalat ni Tengco sa dating Cabinet official na protector ng POGOs, mahuhubaran na nang maskara ang ganid. Tiyak ko, nagkamal ng pera ang opis­yal. Ginatasan niya nang husto ang POGOs. Dapat siyang parusahan sa nagawa.

Kaya kung mayroon pa kayong alam sa operasyon ng POGO hubs sa inyong lugar, itawag ninyo sa PAOCC at PNP-CIDG para mahuli ang mga ito. Tulungan natin ang pamahalaan na malipol na ang POGOs sa bansa. Tama na ang pamamayagpag ng salot na POGOs na pawang krimen ang dulot.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with