'Hanggang ngayon nananalo pa rin ako': Vice Ganda's powerful monologue on GMA 'Showtime' debut
MANILA, Philippines — Vice Ganda celebrated his birthday with a moving monologue that details his humble beginnings to his current success as one of the most popular host-actors in the country.
Vice Ganda took the stage of "It's Showtime" after a "Dune"-inspired video, which ended with him atop a GMA logo on the latter's building in Kamuning, was presented.
The host-actor then took the "It's Showtime" stage to deliver his almost two-minute monologue.
"Isang batang bakla na galing sa isang payak at makulay na barangay sa Maynila. Sinong makapagsasabi na aabot ako sa kinatatayuan ko ngayon -- isang pambihirang position?" Vice opened his speech as the screen shows a fiery background.
"Paano ba ako napunta dito? Simple lang ang sagot ko. Nandidito ako dahil nangarap ako. Kumilos ako. Nanalig ako. Natalo, nanalo, natalo, at muling nanalo."
"At masakit man sa kalooban ng ilan, hanggang ngayon, nananalo pa rin ako. Bwak, bwak, bwak, bwak, bwak," he continued.
Vice highlighted the difference between just dreaming about an aspiration and acting on it. He said that one can choose to act on it, instead of just imagining or hoping for it to happen.
"At habang nagtatagumpay ako, patuloy pa rin akong nangangarap. Kailangan nating mabuhay sa pangarap at hindi sa panaginip. Ang panaginip ay mawawala at maaring malimot sa muling paggising ng iyong diwa, pero ang pangarap ay mananatiling buhay at nagsasalita. Tulog ka man o gising, araw o gabi, di nauupos hangga't patuloy kang naniniwala," Vice said.
He added that the journey will be tough, and there will be personalities and obstacles that would hinder one's way to success. Vice said that on the other hand, there will be people who will genuinely be extending their helping hand.
"Ngunit dahil sa determinasyon at lakas ng loob, magtatagumpay ka, at kung kaya ko, kaya mo. Kaya kung ikaw ay isang bakla na ngayon ay nakatulala at nag-iisip anong gagawin sa lipunang tulad mo ay mapanghusga at mapangkutya, tumindig ka at huwag mahiya. Ipakita mo ang husay mo," he continued.
"Pakapalin ang tapang at apog mo, habang pinapakapal mo ako Loreta sa pagmumukha mo. Pagandahin mo nang pagandahin ang buhay mo. Wag kang titigil hangga't hindi darating ang araw na lahat ng di tumanggap at nagmahal sa'yo ay nangangarap na lang kahit katiting ng pagtingin mo," he added.
When this time comes, Vice said that one can see these hindrances as motivation. He said that one can use anger, trials as reasons to move forward.
"At pag nangyari 'yan, gumanti ka pero hindi galit ang ibabalik mo sa kanila kundi pag-ibig na kusang dumadaloy sa puso mong sing ganda ng bahaghari."
"At kung ngayon ika'y dumadanas ng hirap sa buhay, makinig ka. Habang kumakalam ang sikmura mo, magalit ka. Magalit ka hindi sa sarili mo kundi sa sitwasyon. Isumpa mo ang gutom at sumumpa kang kikilos ka at babangon ka hanggang makatakas ka at makalaya ka sa kahirapan na kung saan ngayon ay nakakulong ka."
Vice stressed that it is important to overcome poverty or difficult situations. An easy or fulfilling life only comes when one fights for it, he said.
"'Wag kang papayag. Kailangan mong kumalas. 'Wag mong isiping hanggang diyan ka na lang. May nag-aantay sa'yo na paraiso kung kikilos ka." Vice said.
"Kaya mo pa, may oras pa. Sa pagkamit ng tagumpay mo, may haharang sa'yo, hihila sa'yo, at aabala sa'yo. Gagambala at babato sa'yo para huminto ka. 'Wag kang hihinto. Ipunin mo ang bawat batong ipupukol sa'yo at gawing pundasyon sa tinatayo mong palasyo," he added.
"Ito ang tandaan mo: isinilang ka para maranasan ang lahat at kasama doon ang manalo."
"Napatunayan ko 'yan sa paglalakbay ko mula sa aming lugar, hanggang sa comedy bar, hanggang sa tawagin akong 'Asia's unkabogable, phenomenal, box-office superstar,'" he ended.
RELATED: 'Pinakamatinding plot twist': 'It's Showtime' stages explosive number in GMA debut
- Latest
- Trending