'Wala po kayong narinig sa akin': Cristy Fermin claps back at Dominic Roque, politicians

Cristy
The STAR/ File

MANILA, Philippines — Veteran showbiz columnist denied that she mentioned any politician allegedly involved in the breakup of Bea Alonzo and Dominic Roque. 

In her show "Cristy Ferminute," Cristy said that she never mentioned that Bong Suntay is Dominic's benefactor. 

"Minsan ko lang pong binanggit ang pangalan ni Ginoong Bong Suntay, paglilinaw pa po... Napakalinaw po, wala po kaming sinabi na benefactor ni Dominic Roque itong si Ginooong Bong Suntay. Hindi po namin sinabi na nagkaroon siya ng gasolinahan dahil sa espesyal na pagtrato," she said. 

"Mula nang salatin ko ang isyu ng breakup ni Bea Alonzo at ni Dominic Roque, ni isang banggit po ng pangalan nitong si Mayor Bullet Jalosjos ay hindi ko binitiwan. Kahit po initials, kahit po clue tungkol sa kanya ay wala po kayong nalaman mula sa akin. Hindi po ako nagsalita.

"Wala po kayong narinig sa akin. Kaya ako po ay nagtataka bakit nagpa-interview with Bong Suntay at Mayor Bullet Jalosjos na sila raw po ay kinukuwestiyon na ngayon ang kanilang mga gender, ang kanilang kasarian."

Cristy said some vloggers picked up her report and added malice to the story. 

"Nasaan po ang pangalan ni Mayor Jalosjos mula nang aking salatin ang kuwento tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque? Walang-wala silang maituturo. Mayroong mga vloggers naglalabas ng retrato nila, mayroon pa 'yung magkatabi sila na parang humahalik si Dominic kay Mayor Bullet, pero hindi sa amin nanggaling 'yon," Cristy said.

"Wala po akong binanggit na pangalan ni Mayor Bullet Jalosjos. Wala po akong sinabi na siya ay benefactor ni Dominic Roque. Maging kay Ginoong Bong Suntay, hindi ko rin po ginamit 'yung salitang benefactor. Ibang vloggers po ang nagkabit ng salitang 'yan sa kanilang dalawa at sa iba pang politiko na nadawit dito. Hindi po sa akin 'yan nagmula. Pwede niyo pong balikan ang lahat ng episodes ng 'Showbiz Now Na' at ito mismong 'Cristy Ferminute' ako po ang nagsasabi na ni minsan hindi ko po binitiwan ang pangalang mayor Bullet Jalosjos. Minsan ko lang binanggit si Ginoong Bong Suntay pero paglilinaw pa. Nasaan po ang malisya? Nasaan po ang paninirang puri sa ganyang kalagayan? Wala po akong nakikita," she added. 

Dominic's camp recently called out Fermin for making "malicious defamatory innuendos" against the actor.

"We strongly condemn the malicious and defamatory public statements of Ms. Fermin. These defamatory statements were made by Ms. Fermin under the guise of entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominic Roque," Roque's camp said in a statement released by Fernandez & Singson Law Offices.

RELATED: Cleanfuel says Dominic Roque does not have gas station

Show comments