^

PM Sports

Ateneo sosolohin ang 3rd spot kontra sa FEU

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Ate­neo De Manila University ang kanilang ikalawang sunod na ratsada para ma­solo ang third place sa Season 86 UAAP men’s basketball tournament.

Lalabanan ng Blue Eagles ang Far Eastern Uni­versity Tamaraws nga­­yong alas-2 ng hapon ka­­sunod ang upakan ng Uni­versity of the Philippines Fighting Maroons at University of Sto. Tomas Growling Tigers sa alas-4 ng hapon  sa MOA Arena sa Pasay City.

Solo ng UP ang lidera­to sa kanilang bitbit na 4-0 record kasunod ang La Salle (3-1), National University (3-1), Adamson (2-2), Ateneo (2-2), University of the East (2-2), FEU (0-4) at UST (0-4).

Nagmula ang Blue Eagles sa 76-69 panalo sa Red Warriors kung saan humakot si Joseph Obasa ng 16 points, 8 rebounds at 6 blocks.

“The game was not pretty but wins are what we need, and this round we have to get as many as we can to continue to improve as a team,” ani coach Tab Baldwin.

Nakalasap naman ang Tamaraws ng 76-80 overtime loss sa Fighting Ma­roons na nagbaba sa ka­nila sa ilalim ng team standings.

Sa ikalawang laro, pupuntiryahin ng UP ang ka­nilang pang-limang sunod na panalo sa pagsagupa sa UST.

Kinuha ng Fighting Ma­roons ang 80-76 overtime win sa Tamaraw, samantalang nakalasap naman ang Grow­ling Tigers ng 69-87 pagkatalo sa Bulldogs.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with