MANILA, Philippines — Host Vice Ganda described the "It's Showtime" transfer to GMA-7's GTV as "Pinoy na Pinoy."
Vice, together with co-hosts Anne Curtis, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ryan Bang, Kim Chiu, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ion Perez, MC, Lassy, and Jackie Gonzaga witnessed the historic signing between top ABS-CBN and GMA bosses yesterday.
In his speech, Vice compared "It's Showtime" to a Filipino family.
“Pilipinong-Pilipino ang nagaganap ngayon. Ang 'Showtime' ay parang kumakatawan sa lahat ng pamilyang Pilipino,” he began.
“'Yung pamilyang Pilipino na lahat na yata ng kaganapan sa buhay ay dinanas. 'Yung pangkaraniwang Pilipino na lahat na yata ng bagyo ay hinarap. Lahat na ata ng baha ay naranasan. Lahat na ata ng klase ng problema sa pamilya ay naranasan. Pero patuloy pa rin tumatayo dahil sa pagmamahal na nararamdaman nila sa mga kasama nila sa bahay. At dahil mahalaga sa kanila sa bahay.
“At 'yung ABS-CBN naman ay kumakatawan sa lahat ng mga magulang ng bahay -- 'yung kahit anong kaharapin nung mga anak niya, kahit anong danasin ng bahay niya, ng pamilya niya, 'yung mga magulang na kahit anong hirap, hinding-hindi titigil sa paghanap ng paraan para maitaguyod ang pamilyang ito.”
Vice then compared GMA to a neighbor who is willing to help those in need.
“Ang GMA naman ay Pilipinong-Pilipino na parang mga kapitbahay na sa panahon ng pangangailangan ay handang mag-alay ng bayanihan sa nangangailangan nilang kapwang Pilipino,” he said.
“Hindi ko makita kung saan ito mapupunta, kung anong kahihinatnan ng araw na ito. Pero alam ko na ang pangyayaring ito ay magiging susi at simula ng napakaraming magaganda pang susunod na mangyayari,” he added.
RELATED: ‘It’s Showtime’ has found a new home’: ABS-CBN moves ‘It’s Showtime’ from TV5 to GTV