Mga batang kabayo eeksena sa 3rd Leg Juvenile Stakes series
MANILA, Philippines — Magpapasikatan ang mga batang kabayo sa magaganap na 3rd Leg ng PHILRACOM Juvenile Stakes series na ilalarga sa Metro Manila Turf, Malvar, Tanauan City sa Batangas sa Sabado.
Dalawang mga supling ng kilalang stallion na Brigand ang sumikwat ng first at second leg ito’y ang Istulen Ola at La Trouppei ayon sa pagkakasunod.
Maliban sa Istulen Ola at La Trouppei, tatlong anak pa ng Brigand ang kasali kaya malaki ang tsansa na puro mga supling nito ang mananalo sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo.
Ang tatlo pang anak ng Brigand ay ang Earli Boating, Keep Da Trick, Winner Parade, makakatagisan nila ng bilis ang anim pang tigasing kabayong sasabak sa distansyang 1,400 meter race kung saan nakalaan ang P1.8M garantisadong premyo.
Makikipagtagisan din ng bilis ang Light Bearer, Player Andri, Swakto Power Duo, Sweetie Giselle, Gintong Hari at Rough Cut sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
“This is a must see race for all horseracing aficionados as these two-year-olds will be our Triple Crown contenders next year. Who knows, we might be watching the next TC sweeper.” saad ni PHILRACOM chairman Reli De Leon.
Kukubrahin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P1,080,000 kaya tiyak na naghahanda ng todo ang mga trainers at hinete para masilo ang malaking premyo.
- Latest