^

Punto Mo

Wheelchair (64)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAGPATULOY ni Jong ang paglalakad. Baka naman nagkakamali siya sa dalawang lalaki na nasa kanto. Baka hindi ang mga ito ang humahabol sa kanya.

Pero pagdating sa kanto, hinarang na siya ng mga ito. Mukhang mga addict. Ito na nga ang humahabol sa kanya kanina.

“Akala mo makakatas ka ano?’’ sabi ng isa.

“Upakan na natin habang walang tao,’’ sabi ng kasama.

Lumapit sa kanya ang dalawa.

Napansin ni Jong na may binubunot sa tagiliran ang isa sa mga lalaki. Patalim.

Umatras si Jong. Sa gantong pagkakataon ay hindi niya dapat isugal ang buhay, Kung makakaiwas, dapat umiwas lalo at may patalim. Desidido ang mga ito na itumba siya. Kailangang makagawa siya ng paraan para matakasan ang dalawa. Nang humakbang palapit ang dalawa, biglang tumakbo si Jong. Bumalik siya sa dating dinaanan. Hindi siya magpapaabot sa dalawa.

“Dali! Habulin natin. Nakilala na tayo kaya dapat utasin na natin,” sabi ng may hawak na patalim.

“Oo. Habulin natin!’’

Hinabol si Jong.

Walang puknat ang pagtakbo ni Jong. Pero nadapa siya nang matalisod sa gutter.

Papalapit na ang dalawa.

“Upakan mo na! Dali!”

Inundayan si Jong ng saksak. (Itutuloy)

WHEELCHAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with