^

Metro

DENR ipinatigil ang mining ops ng Chinese company sa Zambales

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatitigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mining operation ng isang Chinese company sa Zambales dahil sa paglabag sa umiiral na environmental laws sa bansa.

Sa  ‘cease and desist’ order  na pinalabas ni Engineer William Cuñado, hepe ng DENR- Environmental Management Bureau (EMB), inatasan nito ang Yinglong Steel Corp na huminto dahil ilegal ang ginagawang pagmimina.

Ayon sa DENR sa isinagawang imbestigasyon nadiskubreng walang kaukulang government permits ang Yinglong, gaya ng Environmental Compliance Certificate para maging legal ang kanilang mining operation.

Napag-alaman din ng ahensya na umabot na sa 88 ektarya ang hinukay at nasira ng Yinglong sa kanilang illegal operation para maghanap ng mineral na nickel na ibinebenta sa buyers sa bansang China.

Bago ang stop order ng DENR ang ilegal na pagmimina ng nasabing kompanya sa bulubunduking lugar ng bayan ng Sta. Cruz at Candelaria, Zambales ay  ugat  ng  reklamo mula sa ilang grupo ng environmentalist at residente malapit sa mining site. Dahil sa walang hintong  paghuhukay ng naturang mining company ay naapektuhan  ang kanilang kabuhayan, nasira ang mga pananim na tangi nilang pinagkakakitaan para buhayin ang kanilang pamilya. Nangangamba ang mga environmentalist at mga residente sa lugar na kung hindi mahihinto ang operasyon ng Yinglong ay baka matulad ang Zambales sa mga lugar na  naging biktima na ng trahedyang baha at landslide dulot ng mga nasira nang kapaligiran dahil sa illegal mining.

Ipinag utos na rin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo - Loyzaga na imbestigahan ang mga mining firm na patuloy na sumasalungat sa environmental laws, kasama dito ang Yinglong Steel Corp.

DENR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with