Sotto sasabak sa NBA Draft
MANILA, Philippines — Itutuloy ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapaglaro sa NBA matapos ihayag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.
Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.
“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray and support me during my quest to fulfill my ultimate dream,” ani Sotto sa kanyang Instagram post.
Nagpasalamat si Sotto sa pamunuan ng Adelaide 36ers na nagbigay ng tsansa sa kanya para makapaglaro sa Australia National Basketball League (NBL).
Maraming natutunan si Sotto sa NBL na inaasahang dadalhin nito sa panibagong daan na kanyang tatahakin — ang maabot ang pangarap na masilayan sa NBA.
“To the 36ers management, my teammates, my coaching staff and my agent Joel Bell, I am a better man and a better professional player than a year ago because you all took me under your wing and challenged and mentored me to live up to expectations,” ani Sotto.
Hindi rin nakalimutan ni Sotto na pasalamatan ang mga fans na tunay na nagbibigay sa kanyang ng inspirasyon sa oras na tumutuntong ito sa ring.
Malaki rin ang pasasalamat ni Sotto sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang mga magulang na patuloy na nakagabay sa bawat hakbang na kanyang tatahakin.
- Latest