Sortie ng ‘Frontliners ang Bida Partylist’ dinumog ng 10K katao
MANILA, Philippines — Dinumog ng mahigit 10,000 katao ang dalawang grand campaign sorties ng “Frontliners ang Bida Partylist” No. 111 sa bayan ng Rizal at siyudad ng Muntinlupa.
Ang naturang grand campaign sortie ay pinamagatang “Pasasalamat sa mga Frontliners at Barangayan.”
Ayon sa dating tagapagsalita ng MMDA na si Asec. Celine Pialago, nasa proseso ng pagiging nominee ng naturang party-list, hindi niya inaasahan ang mainit na suporta na kanilang natanggap sa kauna-unahang campaign rally.
“Nakaka-overwhelm po ang suportang aming tinanggap. Hindi po namin inexpect na magiging ganoon karaming taga suporta ang sasamahan kami sa sortie namin sa Rizal at Muntinlupa,” saad niya. “Batay po sa mga awtoridad, mahigit 10,000 katao ang lumahok sa aming dalawang grand sortie. Mahigit 5,000 sa Rizal, at lagpas 5,000 din sa Muntinlupa.”
Labis naman siyang nagpasalamat sa kanyang mga taga suporta na hindi siya iniwan kahit na lumipat na siya sa Frontliners ang Bida Party-list No. 111, matapos hindi isama ng Commission on Elections (Comelec) ang Malasakit Movement Party-list sa balota kahit may nakatalaga na itong numero. Saad ni Pialago, naging maayos ang kanilang campaign sortie sa Rizal at Muntinlupa dahil sa kanilang paulit-ulit na pinaalalahanan ang kanilang mga tagasuporta na mahigpit na sundin ang minimum health and safety protocols.
- Latest