^

Metro

MRT-3 personnel na positibo sa Antigen tests, isasailalim pa sa confirmatory RT-PCR tests

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 personnel na positibo sa Antigen tests, isasailalim pa sa confirmatory RT-PCR tests
This file photo by the STAR shows the Metro Rail Transit Line 3.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isasailalim ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa confirmatory RT-PCR testing ang mga personnel nito na una nang nagpositibo sa COVID-19 matapos na sumailalim sa antigen tests.

Ayon sa MRT-3, bilang precautionary measure dahil sa katatapos na holiday at pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila, ay inatasan nila ang kanilang mga em­pleyado, gayundin ang mga manggagawa ng kanilang maintenance provider at consultants, na sumailalim sa mandatory antigen testing.

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na tiya­king ang lahat ng transport stakeholders, kabilang na ang mga pasahero at railway personnel, ay protektado laban sa COVID-19, at upang matiyak na hindi na kakalat ang virus sa mga tren, mga istasyon at mga depot.

Nabatid na ang unang batch ng antigen tests ay isinagawa noong Lunes, Enero 3, at sa kabuuang 696 MRT-3 personnel na sinuri, at 99 ang nagpositibo sa virus.

Anang MRT-3, ang mga nagpositibo ay ni-required na sumailalim sa confirmatory RT-PCR tests.

Kailangan din umano ng mga ito na sumailalim sa mandatory quarantine, gayundin ang kanilang mga natukoy na direct  contacts, hanggang sa muli silang masuri at makumpirmang negatibo sa virus.

Siniguro rin naman ng MRT-3 na ipagpapatuloy nila ang pagsasagawa ng antigen testing at confirmatory RT-PCR testing sa linggong ito hanggang sa lahat ng kanilang personnel ay masuri na.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with