^

Bansa

Buong makinarya ng Lakas-CMD pakikilusin sa presidential bid ni Sara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Buong makinarya ng Lakas-CMD pakikilusin sa presidential bid ni Sara
Ayon kay House Majo­rity Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez, President ng Lakas-CMD, welcome sa kanilang partido ang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na bukas na siya sa ideya sa pagtakbong Pangulo sa darating na halalan.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Pakikilusin ng Lakas-CMD ang buong makinarya nito upang tiyakin ang tagumpay ni Davao City Mayor Sara Duterte kapag pinal na itong nagdesisyong tumakbo sa May 2022 presidential elections.

Ayon kay House Majo­rity Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez, President ng Lakas-CMD, welcome sa kanilang partido ang sinabi ni Sara na bukas na siya sa ideya sa pagtakbong Pangulo sa darating na halalan.

“If Mayor Sara decides to run for President in 2022, we will support her,” ani Romualdez.

Sa kaniyang pagbisita sa Cebu kamakalawa, sinabi ng presidential daughter na bukas siya sa posibilidad na sumabak sa presidential race sa May 2022 national elections.

“Ang importante sa ngayon ay malaman namin kung ano ang sentimyento ng mga tao at ano ang gusto ng mga tao,” pahayag ni Sara sa mga Cebuano. Sa nasabing pagbisita ni Mayor Sara sa Cebu ay nagkalat ang mga tarpaulins na may nakasulat na “Run Sara Run”.

Inhayag ito ni Sara ilang araw naman matapos na sabihin ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa ideya na tumakbong bise president sa darating na halalan.

“We will mobilize the entire machinery of Lakas-CMD from the national level down to governors, congressmen, mayors and councilors— to ensure her victory,” ayon kay Romualdez.

Ang Lakas-CMD ang kauna-unahang partido pulitikal na nagpakita ng intensiyon na i-renew ang alyansa sa Hugpong ng Pagbabago, ang partidong pulitikal ng presidential daughter.

“This alliance binds our party to support whoever is chosen by HNP as their candidates for President and Vice President,” sabi pa ng Kongresista.

LAKAS-CMD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with