P10,000 ayuda sa OFWs naman
Bilang pagkilala sa ating overseas Filipino workers, ginawaran din sila ng P10,000 ayuda matapos mawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Ito ay bahagi ng “Back to Service Program sa pangunguna ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at iba pang kaalyadong mambabatas.
Ginawa ang distribusyon ng P10,000 ayuda (OFW edition) noong Biyernes. Ginanap ito kasabay ng online town hall meeting ni Cayetano, DFA Usec. Sarah Arriola, mga OFWs at mga leader ng mga OFW groups na tumalakay sa mga problema dulot ng COVID-19.
Umaabot na sa 1,400 ang nakatanggap ng P10,000 ayuda ng grupong Back To Service sa kamara upang ang ating mga kababayan ay makapagsimula ng maliit na kabuhayan. Kabilang din naman talaga ang mga OFWs sa hinagupit ng COVID-19. Kailangan din nilang saklolohan.
May isa tayong katanungan: bakit nakabinbin pa sa Senado matapos aprubahan ng kamara sa 3rd reading noong March 2020 sa ilalim ng liderato ni Cayetano ang Bill na lumilikha sa OFW Department? Bakit inuupuan ang mga ganitong panukala? Kung bibigyan ang mga OFW ng sariling departamento, 100 percent matutugunan ang marami nilang pangangailangan.
Batid ni Cayetano ang sinasabi niya dahil dati siyang Secretary of Foreign Affairs. Sa kanyang pamumuno, naitaas ang Assistance to Nationals Fund mula P400 milyon hanggang P1 bilyon at ang Legal Assistance Fund mula P100 milyon hanggang P200 milyon, at ang matagumpay na kampanya ng bansa laban sa tradisyunal na Kafala system sa Middle East.
Kaya nananawagan ako sa mga senador na parangalan din ang sakripisyo ng mga bagong bayani at aksyunan na ang panukalang batas na magtatatag ng hiwalay na departamento para sa OFWs.
- Latest