^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag magkampante kapag MECQ

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag magkampante kapag MECQ

KAHAPON nag-umpisa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na tatagal hanggang Abril 30. Dating nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang mga nabanggit na lugar. Kasabay sa downgrading, pinaikli na rin ang curfew: mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Mananatili namang bawal ang pagbebenta ng alak. Mananatili pa rin namang sarado ang mga gym, spa, at iba pang establisimiento. Ang mga restaurant ay pawang take out.

Ang pagsasailalim ng Metro Manila at iba pang lalawigan sa MECQ ay dahil sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ngayong nasa MECQ, ipapra­yo­ridad ang pagdaragdag sa mga quarantine at health facilities sa Metro Manila. Sa kasalukuyan, full capacity na ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa rami ng infected. Pagtutulung-tulungan umano itong gawin ng Department of Education, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, at Department of Health.

Ayon pa kay Roque, kinakailangan ding madag­dagan ang hospital beds at ganundin ang mga isolation facilities. Kinakailangang ma-decongest ang mga hospital at tanging mga pasyente lamang na may mga malulubhang karamdaman ang ia-admit. Ang mga mild cases ay irerekomendang sa bahay na lamang i-isolate.

Sa ilalim din ng MECQ, ipatutupad ang malawa­kang vaccination sa NCR plus lalo sa mga lugar na ma­taas ang panganib ng COVID. Ipaprayoridad umano ang nasa Groups A2 and A3.

Marami pang binanggit si Roque na isasagawa. Sana, maipatupad ang mga nabanggit habang naka-MECQ. Mahalagang maisakatuparan sapagkat mas marami ang tinatamaan ng COVID. Mahalaga rin naman na huwag maging kampante lalo na sa pag­pa­pa­tupad ng health protocol. Kapansin-pansin na kapag bahagyang lumuwag nasisira ang mga ipinatutupad na pag-iingat. Ipagpatuloy ang nasimulan para ganap na mapababa ang kaso ng COVID.

Halos walang ipinagbago sa loob ng isang linggong nasa ECQ ang Metro Manila at apat na lalawigan. Kahapon, naitala ang 11,681 bagong kaso. Ilang linggo nang laging ganito kataas ang kaso.

Kahit nasa MECQ, patuloy na bantayan ang mga matataong lugar para matiyak na sinusunod ang health protocol. Nararapat namang sumunod ang mamamayan sa ipinag-uutos para lubusang bumaba ang kaso ng COVID lalo na ngayon na 382 COVID variant cases na ang na-detect.

MECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with