^

Metro

Gang war sinisilip sa pag-salvage sa 2 binatilyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatutok ngayon ang mga imbestigador ng Manila Police District (MPD) sa anggulo ng ‘gang war ‘ ng magkakalabang paksyon ng mga kabataan sa Tondo, Maynila na siyang dahilan ng pagpatay sa dalawang binatilyo na natagpuan ang mga bangkay na lumulutang sa Manila Bay kamakailan.

Nananatiling blangko sa motibo ang MPD-Homicide Sectin sa ginawang pagpaslang kina Carl Justine Bonogon at Chormel Buenaflor, parehong 15-taong gulang at nakatira sa may Isla Puting Bato, sa Tondo.

Sa ulat, magkahiwalay na natagpuan ang bangkay ng dalawa na palutang-lutang sa dagat. Parehong nagtamo ang mga binatilyo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na huling nakitang buhay ang dalawa Noong ­Enero 31. Dinukot umano ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang dalawa sa magkahiwalay na oras at lugar.

Sa kabila ng pagkakahawig ng pagpatay sa kanila, sinabi ni Homicide chief, PCapt. Henry Navarro na hindi sila magkabilang sa isang grupo. Miyembro si Buenaflor ng ‘Batang City Jail’ habang iba naman ang grupo ni Bonogon.

Parehong may tanda na pinahirapan muna ang dalawang binatilyo bago pinaslang. Nakabalot ng packaging tape ang kanilang ulo, kamay at paa nang matagpuan sa dagat.

vuukle comment

GANG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with