^

Bansa

Duterte binawi ang total ban sa paputok

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte binawi ang total ban sa paputok
Sinabi ng Pangulo Duterte na isinaalang-alang niya ang mawawalang kabuhayan ng mga taga-Bocaue, Bulacan kung saan naroroon ang industriya ng paputok.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Hindi na itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna niyang planong magpatupad ng total firecracker ban sa bansa ngayong Disyembre.

Sinabi ng Pangulo na isinaalang-alang niya ang mawawalang kabuhayan ng mga taga-Bocaue, Bulacan kung saan naroroon ang industriya ng paputok.

Aniya, maaari na muli ang pagbebenta ng paputok, pero gobyerno at hepe ng pulisya ng LGU ang maaa­ring gumamit nito.

“As not to deprive the Bocaue residents of their livelihood, I will only allow kung aabutan pa ako ng Pasko uli, I will allow firecrackers and everything to be done by government. And it will be the mayor himself and the chief of police who should do this. Iyang fireworks sa community para makita ng tao with all the safe distances, lahat na social distancing doon sa pulbura,” aniya.

Tiwala ang Pangulo na hindi na malulugi dito ang mga taga-Bocaue.

Pero ang bilin ng Pangulo, dapat siguruhin na ligtas pa rin gamitin ang mga paputok.

“Ipagbili na lang ninyo sa lahat ng local government units marami iyan, kikita kayo, kasi bibili lahat but sell it only to the police. Ang pulis ang magbili at sabihin kay mayor, ‘Mayor mayroon ako nabili dito, ganitong so much volume ng firecrackers’. Kung gusto nila ng magandang presentation, okay lang,” aniya.

Nilinaw naman ng Pangulo na desisyon pa rin ng mga mayor kung papayagan nila ang paggamit ng paputok sa kanilang lugar.

Pero hindi pipilitin ni Duterte ang mga lugar na ayaw na sa paputok katulad ng Davao.

FIRECRACKER

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with