Eksaktong Eleven Days ay Bagong Taon na!
Nayyy, ano naman kaya kanyang dala-dala?
Dahil sa nangyari marami ang may kaba,
O may duda lalo’t next year — Taon ng BAKA!
Pag pinagbaliktad mo pa pantig nya … KABA!
Ngek! Balik na ang Daga sa lungga nya basta!
At papalit ay may karne’t gatas na dala!
Year of the OX! May tunog OKS kaya pwede na!
Sa RAT kasi wari bang “plague” lang makukuha!
Katunog pa lang na words — wrath and brat … danger na!
Well, matatapos ri’t patawarin na sana,
Nagkataon lang siguro’t tayo’y umasa!
The OX is a symbol of work and food syempre pa!
From pandemic to pan de leche o milk sana!
Tahimik na hayop at nasa open area,
Isa lang daw ang problema … NAGDADAMO sya!
The word CATTLE sounds like CARTEL oo nga pala!
He, he, he … op kors Ang Poet Nyo la’y patawa!
Isipi’y steak, carne norte, caldereta!
Isipi’y trabaho at pagkain sa mesa!
Ox or oxen ay parang short for Oxygen pa!
BULL ‘tsaka COW … BULALAKAW pag pinagsama!
At marami ka pang masasabing maganda!
Wagyu and Angus … wala lang, masarap sila!
Sa liko’t ko’t hilig maglaro ng salita,
May napansin pa ako tungkol baka’t daga —
Konektado tunog nila sa ginagawa,
Dinagdag ko lang ito at walan magawa!
Ang SQUEAK ang madalas na tunog ng daga,
“It’s quick, it’s quick” kung inyo ring mahahalata!
Ulitin ang DAGA, basahing pakaliwa,
AGAD-AGAD makukuha so it is quick nga!
Salamat sa inyong palakpakan nga pala,
Yung sa BAKA … baka hindi masyadong kwela,
Eh ano lang naman yun kung bakit “MOO” sila,
Their sound is the MOO kasi nga NAGDADAMOO ba!
Wow pare, cute at may tama rin naman pala …
Wow, merong Year of the Ox sa aming dalawa —
My son Jako and my Sun and Moon na asawa!
Ako? Year of the Dog … dala ko’y garapata!
Ngek! Ngunit kahit anong Hayop na Year ka pa,
Hanapin mo lagi maganda pag binasa!
Kung mapansin mong may ‘di gaanong maganda,
Eh di ikaw na lang ay magpatay-malisya!
I’m sure sa Taon ng BAKA puro BAKUNA!
BAKA-CCINATION tayo magiging abala!
T-Back na nalalaman dati na’y nag-iba —
For everyall na — Throwback at Turok Bakuna!
Kapag nababanggit yang salitang bakuna,
Sa panahong ito ay maiisip din ba
Ang isang katunog nyang napakahalaga —
KUNA … at matatanong nyo … bakit ba kuna?
Ang kuna ay crib at sa Kastila ay CUNA,
Dyan nakalagay ang bata kapag sanggol pa,
Pinakadakilang Sanggol nang niluwal Sya,
Isang sabsaban lang ang naging higaan Nya!
At yan dahilan kung bakit tayo masaya
Tuwing ipagdiriwang kapanganakan Nya!
Meron tayong Kapaskuhan dahil sa Kanya!
Sa darating na Biyernes na naman pala!
Maligaang Pasko sa lahat at balana!
Mapag-asa’t maganda ang Taon ng Baka
Pagkat Haring Sanggol sila kasa-kasama
Sa damo at dayami gayon din ang tupa!
We started from Baka, sa Bakuna napunta,
At pagdating sa dulo natulog sa Kuna!
Asked someone kung ano pa sa English Bakuna,
BACON sabi nya! Ha, Ha, Ha Happy New Year na!
Bring home the bacon! Dalhin na rito bakuna!
Pero ang tanonggg … ikaw ba’y magpapauna?
He, he, he … I think iba na ang segurista,
Hihintayin ko muna kung buhay pa sila!