^

Entertainment

‘No Lakbay For Now, LAKBAHAY Only!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
âNo Lakbay For Now, LAKBAHAY Only!â
Christmas 2016 in Japan. This year sana kahit Hong Kong pero ang nangyari HOME KO!

Sampung araw na lamang ay Simbang Gabi na!

At ang Pasko naman Labinsyam na araw pa!

Ang paglalakbay tila wala nang pag-asa,

Tanggap nang CHRISTMAS IN OUR HOUSE na lang talaga!

SA MAY BAHAY AKO BABATI eh kasi nga

JOEY IS IN THE HOUSE la’t hindi nakawala!

Pero tuloy pa rin ‘sanlibo’t isang tuwa,

No lakbay, LAKBAHAY lang mula Eat Bulaga!

Ang taunang Christmas Party ng Eat Bulaga,

Nakatitiyak din akong ngayon ay wala!

Sana nama’y ngayon lang sa Taon ng Daga

Subalit ang Christmas Mass hindi mawawala!

Siguradong KRIZOOMAS ang magiging Misa!

At mga Dabarkads pa rin ay magkikita!

Paghangad Kapayapaan sa isa’t isa

At sama-sama sa Oratio Imperata!

Alam ba ninyong ang Oratio Imperata

Ginagawa pag may kalamidad o Guerra?

Napansin kong this year mangyayari talaga,

Dalawang salita parehong may “RAT” sila!

Ngek! Akalain nyong yun pa’y aking nakita!

Ang Poet Nyo malikot talaga ang mata!

At ako’y sumasampalataya talaga

Sa lakas na dala ng NUMERO at LETRA!

At alam nyo rin bang DAGA ang nangunguna

At simula ng Twelve Animal Signs ng Tsina?

Kung tiwala kayo sa aking ibinida,

Magiging oks na tayo next year pagkat OX na!

Maraming nais Year of the Rat matapos na,

BUBWIT there’s more! Eh kasi hanggang Pebrero pa!

Kaya tiis-tiis pa at konting pasensya,

‘Tsaka sa OX wag din daw masyadong umasa!

Eh kasi nga ang Ox sa Tagalog ay BAKA

Ngek! Eh tunog hindi rin sigurado pala!

Pero dahil tunog OKS ako’y umaasa —

Baka naman it means BAKA may BAKUNA na!

(Tough Hits break muna / To the tune of “Bikining Itim”)

Lahat nakatunganga

Buong mundo pa nga

Ginagawang bakuna

Sino una kaya

Ano kayang mangyari

Hanggang ngayon wala

Kayo’y relaks na muna

At umasa na sana

Ito na’y magawa!

(CHORUS)

Ano kayang makukuha ko

Kaisa-isang BAKUNA ko

Yung kayang sa Amerikano

O yung gawa ng mga Tsino

Ako’y nananalangin

Kahit saan pa galing

Ang BAKUNANG VACCINE

Wag maging vitamin

Pa sa Covid Nineteen

(CODA)

Imbes na gumaling

Tatlong buwan maging

Ang ating quarantine!

(CODA)

At may tsimis nga rin

Iba na na-testing

Mga naging bading!

(CODA)

The needle they’re using

Kasing-haba mandin

Noong sa SWAB Testing!

Kasi noon at may TV show na TODAS pa,

RAT at OKS kami kaya’t laging magkasama,

Imbes Dabarkads ay RATOKS aming barkada —

Short for Mga SIRA TUKTOK eh ano pa ba?!

While we’re looking bakuna, let’s look back muna

Sa mga ESKASPO este, ESKAPO pala

Tuwing PASKO na halos nakasanayan na

At mukhang pagbyahe ay matatagalan pa!

Las Vegas, Los Angeles, New York nag-Pasko na,

Tokyo, Singapore, Hong Kong , Macau at Australia,

London, Paris, Italy, Vatican pa nagsimba!

Madalas lilipad nang Pasko from Manila!

Kaya Christmas in Three places nagawa ko na!

Pasko umalis ng Maynila nang umaga,

Nag-lunch at buong araw sa Hong Kong na muna,

Nag-ferry pagdilim at sa Macau Pasko pa!

Ngunit wag isiping puro pagpapasasa

Sa pamamasyal, pagkain, pamimili pa,

Mahalang bahagi sa amin pagsimba,

Baka ‘di nyo alam Misis ko’y parang Santa!

Ako ay taimtim sa dalangin syempre pa,

Dasal na paglalakbay ay maulit sana!

Lalo na pag Pasko at marami pang iba!

Kanya-kanya tayong panalangin pwede ba!

Tingin ko nung huli kaming nag-ibang bansa,

Siguro ang dasal ko medyo napahina,

Kaya eto ngayon sa house nakatunganga!

But oks lang God, next time please para Mo nang awa!

SIMBANG GABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with