^

Entertainment

‘Baha-Cay, Bara-Cay, Basura-Cay’ (Mata-Bubong-Cay Pa!)

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Baha-Cay, Bara-Cay, Basura-Cay’ (Mata-Bubong-Cay Pa!)
It's going to be a WHITE (hair) CHRISTMAS for me. No travel, no JOEY TO THE WORLD. In other words, I’LL BE HOME FOR CHRISTMAS!

Habang may pandemya ay nagsidatingan pa

Bagyo, daluyong at may baha pang kasama!

Busog sina Ambuklaw, Angat at La Mesa

At lasog-lasog naman ang ilang probinsya!

Hindi mo na alam ang maipapakita

O masasabi kaya’t baka maging puna!

Sapagkat ngayong panahon may Social Media,

Lahat NAKIKI sa PAKI ng bawat isa!

Ngek! Masisiraan ka ng bait talaga!

May gawin ka man o wala ay masama ka!

Kaya suma, “at the end of the day” kumbaga,

Manahimik na lang tayo nang kanya-kanya!

Pamagat ng maikling tula nyong nabasa —

“Hindi Na Dapat Sinulat, Tinula Ko Pa!”

Ngek! In this corner na lang ako’t bahala na!

RESILIENT is to be SILENT AGAIN nga pala!

Malamang may mag-react pa dyan sa patawa!

“Hoy Joey Boy, it means ‘flexible’ ano ka ba!”

So, kung anytime nasa harap ng TV ka,

Ang ibig sabihin NETFLIXIBLE ka pala!

Maraming basa mula ulo hanggang paa!

At eto pa nga po ang ilang pamumuna —

Marami nang walang face mask na makikita

At ang social distancing nakalimutan na!

May sasagot syempre at medyo pa patawa,

“Ano bang distancing eh nasa ibaba ka

At ako at ang aso ko nasa bubong na!

Bakit, yung distansya ba natin eh kulang pa?!”

Mga batang kalye instant swimming nag-fiesta!

Hindi nga La Boracay, BAHA-CAY kanila!

Pero malamang may nag-isip din dyang iba —

Kung may tindang bangka sa Shopee at Lazada!

Tayo pala naman ang BAHA-MAS talaga!

O kaya naman ay The Venezia of Asia!

At kung hindi pa tayo magbabago Berna,

Buong Pinas magiging mala-Boracay na!

BARA-CAY o BASURA-CAY? Mamili ka na!

But wait, MATA-BUBONG-CAY ay humahabol pa!

Tayo pala dapat yung nasa Gulf of Persia —

Bahrain pero tayo BAHA-RAIN o hindi ba?!

Subalit kung iisipin lamang talaga,

Eh PAAGUSAN lang ang sistemang problema!

Puro dagat ang paligid natin ano ba!

Kaya pag may EXTRA RISE ang baha dun punta!

The word “resilient” kahulugan na’y nag-iba,

Sa mahabang panahon pang-uring maganda

At mga nasasabihan tuwang-tuwa pa!

Ngunit ngayon ibig sabihin nagbago na!

Resilient, flexible, elastic at iba pa,

Makabalik sa dati agad kayang-kaya!

Yun na nga nangyayari na naging problema —

Paulit-ulit at pabalik-balik lang ba!

Adjustment and Change kailangan na talaga

Sa nangyayari sa mundo ngayong pandemya!

Mga dating gawi kalimutan na muna,

Magpapahinga na dati nating hininga!

Ngek! Sinabing yan ‘di kalabisan at sobra,

Dating nakasanayan hindi na uubra,

Manatili na lang may pintig ang pag-asa,

Walang may alam kung ano ang parating pa!

Maraming mawawala at maraming una,

Tulad sa napagpalibang Olimpiyada,

‘Di na pwedeng magbunyi lalo’t sumigaw pa,

No cheering! In other words, TOKYO NO TALK YOU na!

Pwede sa TIK TOK dadaanin ang ligaya!

Mga sigaw shout-out na lang sa social media!

Isang World Event yan at maninibago ka,

Malay nyo Beauty Pageants face mask na lang sila!

The Future is NOW and NEW at naririto na!

Taksing lumilipad tinesting na sa Korea!

Ang mga noontime shows nga ay mas dumami pa!

Not so good now but HAPPY NEW YEARS AHEAD nga ba?!

Adjustment and Change? Well, Thirty-Three days Pasko na!

Bagong Christmas Tree hindi na ‘ko nag-canvass pa,

Kumuha na lang ng canvas at ipininta,

‘Di nga lang amoy pine tree but PAINT TREE amoy nya!

And like tukayo’s “Christmas In Our Hearts” na kanta,

Ang acrylic painting na may self-portrait ko pa

Na naka-face mask at may kalakip na linya —

“CHRISTMAS IN OUR HOUSE!” Ngek! Eh Year of the MOUSE ‘di ba?!

JOEY DE LEON

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with