Last week in this corner ako’y nanalangin na,
“Dear God, BAKU NAMAN pwedeng BAKUNA muna!”
Dahil byaheng-byahe na, diniinan ko pa,
“Eh kasi Bossing yung backpack nasa BACK KU NA!”
Dapat nga yung “Bossing” ginawa kong VACCINE pa!
Para naman siguradong makukuha Nya!
For sure gets Nya yun because He’s God Ang PINAKA!
Kaya lang baka ayaw Nya mga patawa!
Anyways, tuloy ko muna pag-aalala
Of the trips and places akin nang nabisita,
Tapos na boksing pag vaccine ay natapos na
At yung backpack sa back ko BABA KU NA muna!
Mga TRIPS ay TRIPLE mo rin daw madarama —
Pag pinangarap, sinabuhay, inalala!
At nangyari na nga ang dalawang nauna
Kaya ikatlo ay sasariwain ko na!
Ang babalikan ko ay ang mga PINAKA!
Katulad KAINAN, yan ba’y naisip nyo na?
Sa napuntahan ko sa aki’y nangunguna —
London’s BOROUGH MARKET! Patayo man busog ka!
‘Di makukuhang maupo’t mababaliw ka!
Sa dami ng pagkai’t palengke talaga!
Meron kahit ano, luto’t lulutuin pa!
No waiters, agad-agad but sometimes may pila!
Walang fine dining- fine dining, LAMON talaga!
Sari-saring ibon at hayop na-hunt nila,
Mga ‘di mo pa natitikma’t kakaiba,
Naroo’t nakasabit, mainit-init pa!
Kabayo sa Montreux ako’y nakakain na1
Reindeer sa Iceland at buwaya sa Florida!
Kuneho sa Spain at kangaroo sa Australia!
Pero sa Borough may masarap na tinira!
Dun unang nakatikim ng WANGUS na baka!
Crossbreeding ng Wagyu at ng Angus kumbaga!
Tanda ko binanatan ko sa may bangketa!
Sa mga pagpipilian matataranta!
More than One Thousand years old ang Borough Market na!
Sa paanan ng London Bridge sya makikita,
Balot ng kasaysaya’t pag ikaw’y napunta,
Nakakatiyak akong magpapabalot ka!
LAKBAY para sa akin siguro’y alam na —
LAKLAK o EAT at BUY o SHOPPING pinagsama!
Isa pang paliwanag sila ay iisa —
LAKLAK ay GASTRO, BAY o BUY ay GASTOS ‘di ba?
Alam nyo na ang Laklak sa aking Pinaka,
Kaya sa BAY o BUY o SHOPPING na pupunta!
Well, sa pagkain kasi may kabusugan ka,
Pagdating Shopping dito medyo nagkaiba!
Ang marami sila ang PINAKA… maganda!
Kaya wala akong mapiling nangunguna!
Ngunit kung pipiliting pumili ng isa,
HONG KONG is the winner at napakalapit pa!
Paglalakbay upang maging kasiya-siya,
Palaging nabubuo kapag nagsisimba!
Katulad ng Laklak isang pagkain din sya,
Hindi sa bituka kundi sa kaluluwa!
Habang tayo ay naghihintay ng bakuna
At mga protocol sinusunod na muna,
Lumingon at umalala pansamantala,
PHOTO CALL din ng sa ati’y nagpaligaya!
Trip pics sa album o sa cellphone magtyaga ka!
Katulad ko alam kong byaheng-byahe ka na!
Forget first the AIRLINES, sa ONLINE magpasasa!
If you miss the PORTS OF CALL … PROTOCOL na muna!