NEWS: Sangkatutak na cruise ships ang ipinahinga!
Walang magbabyahe sa karagatan muna!
Dahil wala namang pasaherong turista
At sa ibang lupain ayaw magpaangkla!
At sa ngayon anong magagawa pa nga ba?
Eh di ibalik na lang mga alaala
Ng almost TWENTY cruise trips nasalihan ko na!
Wala pa yan kung sa iba ikukumpara!
Subalit isang record na rin yan kumbaga
Sa tulad kong sa tubig ay walang hilig ba,
Isisigaw ko na kung ‘di pa rin makuha…
HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY! Gets nyo na?!
Nalunod na ako nang TATLONG BESES pa nga!
Una’y nung ako’y mga three years old pa yata,
Yaya kong si Lilia hindi nakahalata
Sa tabi ng ilog ako na’y nawawala!
Lata ng sardinas kasi nun ang tinangka,
Hindi namalayang palubog na’t pababa!
Napasisid si yaya nang siya’y mabigla
At makitang tsinelas na lang ang alaga!
Malamang-lamang niyan ‘di kayo maniwala
Na ang naikwentong P.I. na kabanata,
Dalampasigan ng I.P. nangyari pa nga,
Ilog Pasig pa beachfront nun ng aming lungga!
Well, let’s just say ganon na nga ako katanda!
Ngunit Drowning Number Two rin ay tandang-tanda ---
Palaisdaan sa Malolos nang magsiga
At mag-high dive ako bago pa magbinata!
Dalawang paa ko biglang nakatingala!
Kumakawag at waring nais magsalita!
Tumusok ulo ko sa maburak na lupa!
Tila nagtatawanan ang mga tilapia!
Ang Drowning Number Three ay Wow Mali talaga
Pagkat sa taping ng “Wow, Mali!” nangyari sya ---
Nang sa may swimming pool ako’y nagka-ideya
Na itulak gay make-up artist naming bruha!
At nang sa pool ang bakla na ay matutumba,
Napakapit sa t-shirt ko nang mataranta!
Nangyari ako’y kasama! Ang masama pa …
Yung bading napakagaling lumangoy pala!
Ngek! Kaya ang punchline and ending alam nyo na ---
Ang mga propmen and crew ako nilagtas pa!
Kaya pag may tubig medyo kwidaw na basta
Pero pagdating cruise ships agad na sasama!
Cabo San Lucas, Mazatlan, Puerto Vallarta ---
Kauna-unahang cruise --- Mexican Riviera!
Sa unang port of call ay may mariachi band pa!
Habang sa ulo ko’t karga-karga … IGUANA!
Next cruise, The Bahamas --- Nassau and Port Lucaya!
Birthday at sea that same year syempre merong fiesta!
San Juan, Puerto Rico, Saint Maarten, et caetera,
Saint Thomas, U.S. Virgin Islands pa nga pala!
Sumunod na taon nagpunta sa
Tortola, British Virgin Islands, Curacao, Aruba,
Saint John, U.S. V.I., Puerto Rico isa pa!
At nung Ninety-Six bago cruise nag-Concorde muna!
Supersonic from New York to London! Yeah, yeah, yeah!
Then cruised and crossed the Atlantic back to New York ba!
Queen Elizabeth 2, Board day was my birthday pa!
Six days na puro tubig lang ang makikita!
Ngek! The next year inikot naman ang Alaska,
Next year sa Hawaii at dalawang beses pa!
Sa gitna nyan nag-New England pa at Canada!
Ang napakagandang autumn dyan ko nakita!
This time nag-birthday naman sa Nova Scotia!
Imagine while on cruise nang sa Boston umangkla,
May Artifact Exhibition na binisita,
He, he, he … alam nyo kung ano? TITANIC! Nyahhh!
Sa Mexico ay nakadalawa pa pala!
At may malalapit lang at dito sa Asya ---
Vietnam, Malaysia, Thailand, China, South Korea,
Hanggang sa dinayo na ang Scandinavia!
Denmark, Finland, Sweden, Germany and Estonia,
Medyo nagkabitinan lang pagdating Russia!
Eight years ago sa Bilbao, Cadiz, La Coruña,
Casablanca, Gibraltar, Almeria, Valencia!
Ngayong ang mga cruise ships ay nagpapahinga,
Ang buffet at six meals a day din ay pahinga!
Wala muna pagsakay mo pasahero ka,
At sa iyong pagbaba ay BAGAHE ka na!
But wait, kung no cruising, flying, basta traveling pa,
Pag-iisip tungkol viaje biglang nabago na!
Lalo na sa Hong Kong parang ayoko rin muna!
Shanghai Crabs season na, gusto kong pumunta sana!
Pero dahil birthday ko nung October Fourteen pa,
Last Monday si Poleng and Bossing may pinadala ---
HAIRY CRABS! Pinausukan syempre kapagdaka!
May kasama pang PIGEON kaya Hong Kong … ‘tsaka na!