Nitong nakaraan lang na September Twenty,
Birthday ni Eileen … “I LOVE YOU MUCH MORE THAN VERY!”
At yan ang nai-post ko sa Twitter and IG
With her picture during our Petra, Jordan journey!
Ngek nga lang pagkat ang kasabay na mensahe …
“Shana Tovah!” or “Happy Jewish New Year!” kasi!
Nakita ko kasi sa post ni Paul McCartney,
Ginaya ko kaya lang na-wrong pick sa pic! Ngiii!
Relihiyon sa Jordan ay Islam nga kasi!
Pagkatapos ay Hebrew aking sinasabi!
Palusot ko na lang Petra rin ay ROSE City,
ROSH Hashanah ay Jewish New Year kaya pwede!
Dapat a photo taken in Israel kasi!
Patawa pa nga akong, “Happy JOEY’S este,
JEWISH New Year!” so pretty in the pic na wifey!
Pag-visit kasing Holy Land, Petra rin syempre!
Kaya yung litrato pasado na at pwede,
Forgiven na yun at na-excite lang si pare!
Meron pa ‘kong “Happy ADAMENEVERSARY!”
‘Twas Adam and Eve’s Creation Anniv din kasi!
BIRTHDAY OF THE WORLD sa iba ang Rosh Hashanah!
At ang shofar or ram’s horn hinihipan nila!
Naisip ko tuloy na dun natin nakuha
Pag-ihip ng torotot pag Bagong Taon na!
From Petra to Tra-pet este, trumpet na pala
Ang ating nasakop kasama na Bibliya,
Nang mapag-usapan namin isang umaga
Ay kung saan-saan na rin kami napunta!
Hanggang sa Annunciation sa Inang Mariya,
Pati kay Saint Joseph’s dream nang may bumisita,
At sa sinabi ko si Eileen ay natawa —
Noon pala mga ANGELS ang social media!
Sa patuloy na pagbalik-tanaw na nga
Sa mga nilakbay at pag-iibang bansa,
Dalawang karanasan sa Banal na Lupa
At mga alaala hindi mawawala!
Sa pagkain lang hindi kami magkatugma,
Paghu-hummus-dili ko’y halatang-halata!
Maliban na lang sa Jericho na nginata —
LAMB CHOPS! Sa sarap napa-“Anak ng tupa!” nga!
Ngunit busog ka sa kasaysayang biyaya!
Pinakamaalat at pinakamababa
Na lugar sa buong mundo at ano kaya
Sa Dead Sea maligo bagong tuli na bata?
Ngek! Pakasal kung saan ang Unang Himala!
Dun sa Cana nang kapusin sila sa toma,
Mga turista dito’y hindi nawawala,
‘Wag lang mag-honeymoon tila nakakahiya!
Yumuko kung saan Batang Hesus umuha,
At kung saan ang Ina lubos na lumuha!
Ang kweba kung saan bangkay Nya’y inihiga,
Paglipas ilang araw himalang nawala!
Huling Hapunan kung saan ito ginawa,
Lugar ng himala sa tinapay at isda!
Kung saan tatlong ulit Siyang itinatwa!
Sa River Jordan pabinyag ka at pabasa!
At syempre pa ang puso ng iyong pagpunta —
Sariling pagtahak sa Via Dolorosa —
Paliko, pahaba, pataas, pababa pa!
Pakiramdaman mo ang ginawa sa Kanya!
Naku mga lugar ay napakarami pa!
Mount Sinai, Mount of Olives, mounts ay sangkaterba!
Sea of Galilee, Gethsemane, et caetera,
Parang quarantine, araw-araw magsisimba!
Tingin nyo bakit tinawag na Gethsemane
Yung garden? At para lang akong may masabi,
Nang si Hudas magkanulo dito nangyari,
In other words, this is where Judas GET SOME MONEY!