^

Entertainment

‘Aprecia Tus Bendiciones!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
âAprecia Tus Bendiciones!â
Eileen ‘online’ to see and touch the Black Madonna of Montserrat in Spain.

Sa takbo, o pagtigil?...ng mga pangyayari,

Wala nang katiyakan maaaring mangyari,

Kaya may pagkakataong sa aking sarili,

Nagbibilang biyaya na sa aki’y nangyari!

Isa sa naapektuhan kasi nang matindi

Ng pandemyang ito’y walang iba kundi VIAJE!

Pag getting old pa naman dyan na lang naglilihi!

Anak ng putakte! Eh bigla pang naunsyami!

Talagang nakakakunsumi! ‘Tapos napili

Ko pang rhyme sa dulo nitong tula hindi easy!

Kaya sa susunod na stanza I’m very sorry,

Papalitan na rima’t ‘di ako mapakali!

Three weeks ago sinimulan ko na “blessing counting”,

Basta nilimitahan ko lang tungkol traveling,

Grasya ng paglalakbay ay aking tatawaging …

BIYAYA-HE! Well, parang pa-throwback lang ang dating!

But wait, kung BIYAYA-HE pa ay bubusisiin,

Ang “HE!” ay sigaw pag tayo’y may patitigilin!

Parang pagtigil ng biyaya tuloy ang meaning

Kaya ang mabuti pa kalimutan na natin!

Ngek! Three weeks ago, HAI! Today, HOY! This is what I mean —

Nag-arigato muna sa Japanese trips namin,

And para hoy, at ngayon, gracias sa grasyang Spain!

Aprecia tus bendiciones nila sasabihin!

 

First, nandun mga kapatid ko sa ama namin

Ops, baka sa pananampalataya isipin!

May pamilya kasi dun ang tatay kong magaling!

Joke Pa! Pero sa kanya favorite quote ko galing!

“A GOOD LIFE IS EXPENSIVE. THERE IS SOMETHING CHEAPER BUT IT IS NOT LIFE!”

Mga kahulma nito ay ipinanganak pa

Tulad, “Gagawin mo bang collector’s item pera?”

At pag mga kasabihang ito’y pinagsama,

Ang kahihinatnan — KAPAG MAY GRASYA … GUMASTA!

Nakakatuwang kami’y nagkakila-kilala,

Nun pa mang buhay pa kanilang Mama at Papa!

May panahong sa Pinas sila di’y nagpupunta,

Kami ri’y nagkikita pagbisitang Espanya!

WALO lahat ang KAP-UTOL ko dun sa Europa!

(Natsismis kasi na may isa sa Alemanya!)

Pito ang mujeres at si Pepe nag-iisa!

Si Eleni nga pala’y kasama ni Papa!

Maria Jose, Asun ang pangalan nung iba,

Beatriz, Lourdes, Aurea at saka Magdalena,

Kaya lahat-lahat kami ay LABINDALAWA!

Yan ay sa LABING-LABING ng Papa sa DALAWA!

Ngek! Gracias at dun ko rin nakilala … si Gilda!

My wife Eileen knows this at nasaksihan pa nga nya!

‘Di ko naitagong nabaliw ako sa kanya!

Doon sa Bilbao, isang tapas o pintxos po sya!

‘Di ko tinantanan kahit tuhog-tuhog na —

Anchovies, olives at guindillas magkakasama!

Eighteen pieces yata nun yung naubos kong Gilda!

Dito ko rin natikman kuneho sa paella!

Makakalimutan ba experience sa Pamplona —

Nag-Running of the Bulls kami ni Eileen syempre pa!

Nakasuot pa nga kami ng puti at pula!

It’s toro este, true nag-rent kami ng veranda!

Nung mga toro at buwis buhay dumaan na,

Takbo pababa sa kalye’t Kodakcrowd na muna,

Nang sa likod ko’y may na-late na toro pa pala!

Ngek! Running with Bullsh_ _ ! naman ngayon ang drama!

Ang ‘di matapos-tapos na Sagrada Familia!

Ito lang may lisensyang “forever” na talaga!

Miss ko na La Rambla and my favorite estatwa —

The funny “Thinking Bull” sa may Rambla Catalunya!

 

Thank You Lord sa mga pagkakataong makita

Mga obra ni Picasso lalo na Guernica!

Doon sa Madrid sa Museo Reina Sofia,

Naturalmente ang Prado! Si Eileen? Sa Prada!

Muchisimas gracias sa Camino de Santiago!

Sa Churros, Rabo de Toro at Jamon Jabugo!

Pag natapos na ang punye_ _ _ _  pandemyang ito,

Hasta la vista! I will say OLA uli sa ‘yo!

JOEY DE LEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with