‘Social Dis-DANCING & Social Distance-SING!’
Kung talagang “Ang Pasko ay ZOOM-mapit” na awitin,
Eh di “Bagong Taon ay may Bagong Normal” words na rin!
Kaya Eat Bulaga mga contests ngayong quarantine
Nag-change na rin — Social Dis-DANCING and Social Distance-SING!
At kung imbes bibingka at puto-bumbong kakanin,
Eh di PROTOCOL-chinta after Simbang Gabi natin!
PAGBABAGO talaga ang mensahe Nya sa atin!
Pasalamat at hindi pa tayo parang “Soylent Green!”
Well, paki-Google na lamang kung nais alamin!
Basta iwaksi o pakisamahan Covid Nineteen
At mukhang magtatagal pa ito sa piling natin!
Ito ang bagong bantay ANG HELP natin o ANG HELL na rin!
Nang Covid Nineteen sa buhay nati’y dumating,
May isang dumalas hindi man nyo aminin!
Ito’y walang iba kundi pananalangin,
Ako pa nga’y gumawa ng para sa akin!
Sa kinalakihan nga nating “Ama Namin”,
Marami kaya sa inyo ang tatanggapin
Na mapa-Ingles man o sa sariling atin,
Basta mausal lang kahit ‘di na dibdibin!
At malamang nyan marami pa rin sa atin
Na ang pang-unawa sa “aming makakain”
O “daily bread” ay kung ano dinig at dating
At hindi yung malalim na ibig sabihin!
Kaya sa IG nung i-post ko isang painting
Kung saan Panginoon ay nananalangin,
Aking inilagay ang isang panalangin
Nang isang umaga nasumpungang baguhin!
“Jesus, pakisabay dasal ko sa dasal Mo —
Dear God, ako na bahala sa DAILY BREAD ko,
Ayoko namang iasa lahat sa Iyo,
Basta lang sa DAILY BREATH ko bahala Kayo!”
“God helps those who help themselves” ay hindi eksakto,
“God helps those who CANNOT help themselves” mas totoo!
Kaya kung kaya mo nama’t ayos pa buto,
Batakin mo’t ang Dios matutuwa sa iyo!
Ngayon ngang pandemya ay marami natuto
Na gumawa ng tinapay, cakes ‘tsaka puto!
Kaya wag palaging nakaangat ang ulo,
Yumuko ka naman minsan at magtrabaho!
May kasabihan nga na huwag mong asahan
Na ang Diyos bawat hakbang mo ay gabayan
Kung sarili mong paa ayaw mong ihakbang!
Marami pa dyan ang lalaki ng katawan!
Ang katamaran ay tukso ng alam na nyo,
Yung may buntot at dalawang sungay sa ulo!
At yan ay kasama na sa buhay ng tao,
Baliktad nga ng LIVED … bahala na lang kayo!
Hindi porkeng no job ay matatamad ka na,Eh yun na nga agad ang dapat kumilos ka!
O eh di habang wala tumulong sa iba!
Yung pagiging IDLE magiging IDOL ka pa!
‘Di masamang magpahinga’t tumigil muna,
Lalong hindi masama kung tayo’y umasa,
Pero por Dios, por Santo at portamoneda!
Wag namang POR EBER at ‘di na yan maganda!
May kasabihan ding sa abo at alabok
Mapupunta ang tao kapag sya’y natepok!
Subalit habang may buhay LUPA gawing oks,
Eh di taniman mo nang mabuhay ka ugok!
Hayyy! May kasabihan ding “buntot mo, hila mo!”
At meron ding “buhay nyo yan, bahala kayo!”
“Vivir y dejar vivir” sabi ng Lolo ko,
Basta HAPPY-PPE NEW YEAR na lang to you!
Kape ko’y hindi Kopiko kundi CURFEWKO!
At ang hamon namin STAY HAM tatak nito!
Kung meron mang magandang mangyayari rito —
When the clock strikes Twelve … TWENTY TWENTY-ONE na tayo!
- Latest
- Trending