‘Anak (Anak Ng Anak Ko!)’

From left: Eileen, ANAK... Asawa Ng Ang Poet ... Ko? Jakob Ethan, ANAK... Anak Ng Anak Ko! Jako Raphaelle: ANAK ... Anak Namin Asawa Ko!

Pag may nagsasabing may bago akong apo,

“Hindi ko yun apo, ANAK!” Yan ang sagot ko!

Actually, anacronym este, acronym ‘to —

ANAK… Anak Ng Anak Ko ang meaning nito!

Yan ang pinaikling pinahaba, na-gets nyo?

Shortened to ANAK dahil ayaw mo sa APO

Pero ang haba naman ng paliwanag mo!

Ngek! Yan ang nagagawa ng pandemyang ito!

Nakakataw talaga ngunit… pang-HENYO!

Nahahalo nang husto ang taho sa ulo!

For me yan ang not dangerous na POSITIBO!

That’s entertainment din para sa sarili nyo!

Hindi pa nagkasya’t bumwelta pa si Jako,

Eto yung “Anak Ko” sa Anak Ng Anak Ko!

May sariling kahulugan sa ANAK ito —

Apo Ng Ama Ko! Ngek! Manang-mana loko!

Tulad sagutan sa viber with mga friends ko

Mula sa grupong BILIGRIMS, yan lang ay tukso,

Yung mga misis namin sa Pilgrimage kuno,

Hindi DASAL kundi THE SALE talaga gusto!

Ang post ni Myrna Garcia, wife ni Gregorio,

“How much longer pa My Lord ang pandemyang ito?”

Her worry baka sila ng other wives kuno

Won’t recognize each other pag nagkita grupo!

Op kors pakyut lang yun pero ang sigurado —

Nanggigigil nang bumyahe’t mag-shopping nito!

Basta makalipad lang kahit saan pa ‘to!

Sasakyan kahit helicopter pa siguro!

Lalo pa syang pinag-worry sa naging post ko —

“Ang balita ko kapag maayos na medyo,

Bawal nang bumyahe mga lola at lolo!”

He, he, he … naturalmente may sagot ito!

“Hoy Joey, babagsak ang economy you know

Kapag hindi nag-travel at nag-shopping tayo!”

Hindi pa nagkasya at may dagdag pa ito —

“Magiging collector’s item na lang pera mo?”

Of course I agreed at usapan tinapos ko

Sa, “Para economy ay hindi sumirko,

Pag nag-travel at sumakay ng eroplano,

Huwag mag-Economy, MAG-BUSINESS CLASS TAYO!”

Show comments