‘There’s Always YES in Yesterday!’

KAHAPON SA HAPON — Good morning yesterday! Of the three times of your life: Yesterday, Today and Tomorrow, there’s always YES in Yesterday! Count your blessings today ‘cause we are not certain there will still be a tomorrow! Ngek

Today is the birthday of my M-U… gets nyo ba?

M-U is for Miss Universe! Medyo kulang pa…

Miss Universe, Sweetheart, Asawa! In short, MUSA!

My Muse, inspiration, guiding light, et caetera!

Happy Birthday Eileen! I LOVE YOU! Tsup, tsup! Mwah, mwah!

No blowing of the candle dahil you know na!

‘Tong pandemya talaga nakakairita!

No HUGS and KISSES or HUWAG KISS SA MISIS pa!

Itong BAWAL MOVEMENT hanggang kelan pa kaya?

Pagtiisan na natin at wag magpabaya!

Ayos pa nama’t maya-maya ngumunguya,

Sa Food Delivery tayo’y sanay na yata!

One Monday after watching Memoirs Of A Geisha,

Bumalik din mga memories ko sa kanya

Teka’t hindi tungkol sa isang Haponesa

Kundi tungkol Japan at mga pagbisita!

Alam nyo ba ang ibig sabihin ng geisha?

Ang gei ay art, sha ay person… eh di ARTISTA!

Hai! Entertainer sya pero I’m shocked talaga

When I learned that the first geishas LALAKI pala!

Ngek! GAY sya? Ewan, basta yan History nila!

Paksa natin ngayon ay mga alaala

Ng mga pagpunta sa birthplace ng tempura!

Dahil NO travel yet, tayo ay throwback muna!

Japanese experience nearly complete na pala!

Watched Sumo, nag-Shinkansen at syempre Sakura!

Had shows na rito ang Eat Bulaga Barkada,

Nag-Onsen at sa harap ko’y ang Mount Fuji pa!

Sawa na sa Omotesando at sa Ginza,

But not the Ice Festival at nanginginig pa!

Kaya sa gitna ng snow ramen tinitira!

Of course, Lavender Season na napakaganda!

Visited John Lennon’s Museum sa Saitama,

Watched Paul McCartney dito noong nag-concert sya!

Natikman ko na lahat ang mga Wagyu nya —

Iga, Kobe, Ohmi, Saga at Matsusaka!

Pero ang hindi ko malimutan talaga,

Pagdating pagkain ay hindi beef nila

Kundi sa Fukuoka na kinaing tempura

Ang sssarappp! Ang haba-haba parang chopsticks sya!

And speaking of tempura ay eto pa pala –

Ulo’t buntot ng hipon sa iba’y basura,

Ngunit sa may Roppongi nabaliw panlasa,

Ulo’t buntot sa sarap at lutong… PINAKA!

Natikman din pinakamasarap na pizza!

Four Cheese with honey na talagang kakaiba!

Japan’s one of the best sa queso, walang bola!

Much better sa butter pa! Hey France, excusez moi!

Pati nga Ghengis Khan ay nasubukan ko na!

Eto yung sa Sapporo na-experience ko ba –

Sapporo Beer all you can at EAT all you can sya

Ng ano sa palagay nyo? Anak ng… TUPA!

Ngek! Korek, eat all you can ng lamb! UNLI-TUPA!

Ang sarap sa una, sa ulit busog ka na!

World’s Shortest Escalator akin nang nakita…

Pagsakay mo nasa ibaba ka na pala!

Nag-Ryokan din syempre at tatami kama,

Namalengke sa Tsukiji kahit antok pa!

Twenty plus course kay Jiro nakapag-reserba

Kahit inabot nang buwan paghihintay ba!

Syempre sa Don Quijote ri’y bumibisita!

Kahit ano yata dun tinda’t makikita!

First trip to Japan pinuntahan alam nyo ba?

Dyarannn! Eh di Tokyo Disneyland ano pa ba?

Subalit may isang dinayo pa talaga,

Hindi pa nagkasya’t sumama sa parada!

Yung Annual Penis Festival na Kamanara

Sa Kawasaki buong pamilya sumama!

Pagdating matsuri iba Hapon talaga!

Mapa-civil o religious kaya magdala!

Kanilang sineseryo at walang malisya,

Dun nga sa parada bata pa nangunguna!

Paano nga yung festival tungkol sa bata!

Mga ‘di magkaanak dun namamanata!

Nilalakad nila na anak makagawa,

Mga karosa malalaking phallus kaya!

Kasi nga ang birth rate sa Japan ay mababa,

Kung sa ganyang ganap kayo ay namamangha,

May Ososo Matsuri pa dung ginagawa!

Yung sa babae naman ang pinapanata!

Well, Japan memories ko ayos naman pala,

Habang may pandemya ay throwback-throwback muna!

But there’s one Japan experience mabuti’t wag na –

Nung PANAHON NG HAPON ngek! Ba’t dun napunta?!

Show comments