^

Entertainment

‘Ang Pasko Ay ZOOMapit!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
âAng Pasko Ay ZOOMapit!â
Kung sakaling by December hindi pa pwede mga Christmas parties at exchanging gifts eh di regaluhan nyo sarili nyo! Eto ako at nagpinta ng early Christmas gifts para sa sarili ko! Thank you myself!

“Ang Pasko ay Zoomapit” naririnig na ba?

BER month na’t dapat tayo’y mangagsiawit na!

Hindi raw totoong may bagong usong kanta

At FACE MASK ON OUR MOUTHS kuno ang titulo nya!

At hindi rin totoo ang bali-balita

Na pag hanggang Pasko at change pa rin ay wala,

The same pa rin eh wala na tayong magagawa,

No more exchange gifts kundi EXCHANGE MASKS na lang nga!

Ngek! Eh in ten days KALAHATING TAON na nga!

Mas ngek! Eh yung Stay Home March Sixteen nagsimula!

Kaya sana naman yang “curve” na ‘yay bumaba

Nang tuloy ang Christmas Party ng Eat Bulaga!

Pero yang kurba kung sakali mang humupa,

Huwag naman tayong masyadong magtiwala!

Face mask and Social Distancing ituring na nga

Na parte ng buhay sa panahong mahaba!

Face masks kasama na ng panties and briefs na nga!

‘Sabagay yang face mask maganda magagawa

At mababawasan na ang magsasalita

Ng, “Hindi ko gusto ang iyong pagmumukha!”

Malinaw sabi kong magiging bahagi na

Ng suot ng tao tulad briefs, panties at bra,

Eh kasi iba dyan baka pagsunod sobra

At gawing salawal ang Face Shield ngek! Ay, tanga!

Kung magbabalik-tanaw tayo alam nyo ba,

Ganyan mga dalaga noong sinauna,

Nagtatakip ng mukha lalo’t tumatawa,

Laging may panyo’t abanikong dala-dala!

Mikrobyo noon kumbaga ay mga mata!

Tingin ng binatang waring may pagnanasa!

Iwas agad ating Dalagang Pilipina,

Dulo ng daliri mahihirapan ka pa!

Kaya kung magpapatuloy itong pandemya,

Magbabalik lang panahon ni Tandang Sora,

Mukha ng babae para mo lang makita,

Kapag katabi at sya na’y iyong asawa!

At nung mga nakaraang naisulat na,

Mga kababaihan ay makakaasa

Na face mask magiging isang luho na rin sya!

Pero credit card don’t worry at mura-mura!

Less than the cost let’s say ng bandana ng Prada

Kaya mga husbands not so painful sa bulsa!

Wag lang sana face shield at nasa harap glass pa

Sapagkat magmumukhang nasa ataul ka!

Ngek na naman! Ngunit iba tayo talaga,

Tiyak meron na naman dyang mangongolekta!

Louis Vuitton, Chanel and Dior et caetera

But oks lang at small shopping bag lang ang dala!

Uhurm, hindi na yung large bags na may tatak pa,

Patong-patong both shoulders, lalakad nang bongga!

But on second thought gawin mo pa rin yan bruha!

They won’t see you at naka-face mask ka nga pala!

Basta, kung kayo ma’y labis nag-aalala

Kung ano man lagay natin kapag Pasko na,

Isiping palaging pinakamahalaga —

Pasko’y ‘di para sa atin kundi sa Kanya!

Oo nga’t nasanay na tayo na magsaya

Subalit kalagayan natin ngayo’y iba!

At kung sakaling ito’y ‘di pa rin gumanda,

Nasa atin ya’t ‘wag mawalan ng pag-asa!

Kung may social distancing pang inaalala

Sa Paskong parating may magagawang iba —

Higit na lumapit at alisin distansya

Sa may kaarawan kahit walang face mask pa!

FACE MASK

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with