The last few weeks ay back to painting Ang Poet Nyo!
Sa mga nagtatanong kung magaling ako,
Social distancing kami ni Pablo Picasso!
In other words eh malayong-malayo ako!
Of course it’s not true! Sino nagsabi Van Ga-Gogh?
Di ako! To those asking kung for sale paintings ko,
Basta pag may vaccine na Pambansang Kamao
Este, bakuna talaga, exhibit tayo!
‘Di naman gustong sabihing some of you are slow,
Play on “vaccine” lang dahil ka-sound ng BOXING ‘to!
Ang mag-explain ng joke talaga ay ayoko,
For me kasi, if you don’t get it, Science you go!
O ayan at kukunot na naman noo nyo!
Ang ibig sabihin nyan eh pa-CIENCIA kayo!
Science is AGHAM nga pala in Pilipino,
As in “Agham is where the heart is” … awat na Jo!
Noong Linggo ibinahagi ko sa inyo
Ang Crucifixion of Christ gamit ang numero,
Isa sa mga una na naipinta ko,
Malamang sa Bulaga matanda pa ito!
Tandang-tanda ko pa sya ang Numero Uno
Na nabili sa mga gawa ko’t trabaho,
Kasama sa Group Exhibit sa Galerie Bleue,
Taga-New York pa yata nakabili nito!
Wag nyo nang i-google at sarado na ito!
Basta sa Rustan’s Makati pa bahay nito,
Nag-iba-iba na nga ang kanyang titulo!
Buti na yun kesa “UNTITLED” na ayaw ko!
Title nya nung una ay “His Days Are Numbered Too!”
At naging “You Can Always Count On Him” pa ito!
Mabuti na lang at kasalanan siguro
Kung ang title: “Para Sa Mahilig Sa Lotto!”
Marami-rami na rin nagawang ganito
Pero nakakasigurong walang pareho!
Sa tuwing gagawin ko ay may nababago,
And new meanings nakakakita pa rin ako!
Katulad last Sunday nung ipakita ko rin
Title ng Eat Bulaga na ginawa kong painting,
At pareho for the first time ko na in-explain —
The numbers, the letters, pati hugis sa tingin!
Bahala kayo kung ano man iisipin,
Baka mapalad lang sa naging simulain!
Numbers, letters and words I will always love playing
Kung kaya lahat sila ako ay mahal din!
Last Sunday may nalimutan akong banggitin
Na yung Numbers Two and Five na parehong kneeling,
Ang letra na katapat nila ay yun pa rin
Sa Abakada at sa English Alphabet din!
O eh ano ngayon ang inyong sasabihin,
Aba ang dalawang yan na nananalangin,
Katapat letters E and B kung mapapansin,
O hindi ba initials ng palabas namin?!
Nakaluhod at palaging nananalangin,
Salamat po sa biyayang napasaamin,
Palatandaan ng pagpapakumbaba rin,
Aming dadalhin hanggang kailan man abutin!
Yun iba “natapat lang” tiyak sasabihin,
Ngunit TAPAT inyo mang bali-baliktarin,
Pakanan at pakaliwa ay TAPAT pa rin!
Yes it’s true, Si es verdad, kayo’y tatapatin!
Kung “natapat” eh ito’ng wag mamasamain —
For more than FORTY years eh yung painting yun pa rin,
Kasi FIVE and TWO sa SEVEN they are both kneeling!
Well, sa presinto na lang I’ll do the explaining!