‘My Faith in Paint’

‘Eat Bu- Nyo laga!’ on canvas by Ang Poet Nyo

Sa LETTERS and NUMBERS ako’y naniniwala,

Isang gabay at lakas sa nagtitiwala!

Bahagi ng buhay mula pa man pag-uha,

Hanggang pagtanda at sa mundo ay mawala!

Hilig kong paglaruan ang mga salita

Pati ang mga bilang sapul pagkabata,

At yan nga ang nangyari nang aking malikha

At nang mabuo ko title ng Eat Bulaga!

Kung paano nga’y narito’t ilalathala —

Pag nilalaro natin ang sanggol o bata,

Isa sa mga linya nati’y “IIIT … BULAGA!”

At pag ngumingiti s’ya tayo’y natutuwa!

Kaya nga, “Hangga’t may bata, may Eat Bulaga!”

Ang naging battlecry kahit nakakahiya!

Eh bakit ba nagkatotoo naman yata

Pagkat after FORTY-ONE YEARS narito pa nga!

Nabago na nga “Pag may tyaga, may nilaga.”

Kasi pag laging nilaga… nakakasawa!

Naging noodles na nga mayama’t maralita!

Pero pagdami ng bata ‘di nawawala!

Op kors pinalitan ko lang unang salita —

Imbes na IT ay EAT dahil tanghalian nga!

At “SURPRISE!” nga pala ang meaning ng “BULAGA!”

Dyarannn! SURPRISE AT LUNCH ang aming inihanda!

Kung bakit tungkol “kainan” ako nagtyaga?

Eh kasi ang katapat Student CANTEEN nga!

At nang lalong ma-inspire ang aking ginawa —

Nagtrabaho ako kay Tito na kusina!

At maging sa bilang ng letra ay nagtyaga,

NINE letters yan dahil Channel 9 nagsimula!

At kahit gawa na ay hinanapan pa nga

Ng ibang kahulugan ang aking ginawa!

Like the letters E, A, B, and G pag binaba

Sa lower case nila ano ang mapapala?

Subukang pasirkuhin at mabubulaga

At puro NUMBER NINE at kayo’y mamamangha!

Sa Numerology Number Nine alam nyo ba,

Sa lahat ng mga bilang na nag-iisa,

Pinakamahabang nilakbay ay siya na

Kaya sa PAHABAAN ay walang problema!

Naturalmente yung ibang letra ako na,

Kanya-kanyang interpretasyon yan bakit ba?

“U” ay waring supot na sasalo ng grasya,

at “T” alam nyo na, meron ba dyang kokontra?!

At yung “L” na nag-iisa at natitira,

Sa lower case ay diretsong-diretso lang ba,

Nakaturo sa itaas yun ang maganda,

At higit sa lahat eh mukhang NUMBER ONE sya!

Sa huling tatlong letra inyong makikita

Ang bilang ng tatlong himpilan na nagdala

Sa loob nang maraming taon sa programa,

Maraming salamat sa lahat sa kanila!

Paraang ito matagal nang dala-dala,

Makikita sa isang ipinintang una,

Ipaliwanag ito ay ayaw ko sana

Ngunit pagbibigyan lang mapilit na iba!

Back to Number Nine pagkat ito ang istorya

Nang numbers one to nine ay aking ipininta,

Sa larawang “Crucifixion” ginamit sila

At narito paliwanag ng bawat isa!

ONE ay ang kata-one este, ang torso pala,

TWO ay ang nakaluhod na Inang Mariya,

THREE ay dalawang kamay at nakapako pa,

At FOUR ang dalawang magkapatong na paa!

FIVE nakaluhod na Mariya Magdalena,

SIX ay ang Koronang Tinik kung makikita,

SEVEN ang paanan ng Krus dun sa Golgota,

EIGHT ay ang pagkakabuhol ng bahag Niya!

At NINE ay ang nakalungayngay na ulo Nya!

At yan na nga ang kabuuan ng istorya,

Yung “David’s Doxology” akin pang iniba,

“For NINE, O Lord, is the greatness. It is.” sabi nya!

Eat Bulaga’s title akin ding ipininta

Nang maipakita aking mga nakita —

The letter U is formed by two hands in prayer pa,

Nagpapasalamat sa biyayang programa!

Subalit talagang malikot aking mata,

Biglang nangiti at may nakita pang iba —

Dalawang kamay tila pumapalakpak ba!

Nagpapahiwatig nang “BABALIK! ISA PA!

‘His Days Are Numbered Too!’ by Ang Poet

 

Show comments