‘Oh Gosh, September, Pasko Na!’
Sa wakas nung last Thursday ay nairaos na —
First Birthday sa New Normal ng aming programa!
Ito ay matapos ang APAT NA DEKADA!
Akalaing nangyari meron pang pandemya!
Well, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon,
Tunaw din kandilang umiilaw sa Poon!
In other words, at the end of the day… is hapon?
Ngek! Basta, sa Eat Bulaga, CONGRATULATIONS!
Well, pagkahaba-haba man daw ng quarantine,
Sa simbahan nga talaga natuloy pa rin!
Last June Twenty-Seven was my apo’s Christening!
Bininyagan si Jakob Ethan sa Christ The King!
Son of my son Jako na JAK ko kung tawagin,
Misis nya si Gillian at GILL naman ang nickname,
Anak nila unang apo namin ni Eileen
Kung kaya meron kaming JAK and GILL na loveteam!
Kaya’t nag-post ako right after the Baptism,
“Congratulations Jak and Gill! Your son is thanking
The Priest for the pail (?) of Holy Water!” Just kidding!
Syanga pala, Father Ric Montanez presiding!
I was out after One Hundred Three days imagine!
I must admit medyo kakaiba ang feeling!
Para pang mga bisita lahat in hiding,
Naka-face mask kasi lahat sa picture-taking!
Okay din naman ang aming social distancing,
Ang akala ko nga upang panatilihin,
Pag ang ulo na ng baby ay babasain,
Ang Pari BARIL DE TUBIG ang gagamitin!
Ngek! Pasakit ka nga talaga Covid Nineteen!
Akalaing nag-change nakasanayan namin!
Naisip ko lang kung sakali yang distancing
Nang ma-maintain malamang ito ang happening!
Magkalayo ang Bride and Groom sa isang wedding!
Kanya-kanya sila pagsusuot ng singsing!
Sa “kiss the bride” halik na lang paliliparin!
Packed food sa reception at kanya-kanyang kain!
Naturalmente bouquet throwing ay wala na!
Pati subuan ng cake, basta keep distancia!
Imbes honeymoon ay HONDIMUN mag-asawa,
That’s short for HONEY TABIHAN HINDI NA MUNA!
Kaya imbes “pulot-gata” ay PULOT-NGANGA!
And to make it a pandemic wedding talaga,
Sa exchange of vows ng bride and groom sagot nila
Imbes “I DO” isang malakas na “AYUDA!”
Naku, malapit nang magpatugtog sa radyo
Ng carols o mga himig ng Pasko pero…
Imbes “Santa Claus Is Coming To Town” words nito
ay malls will close this coming lockdown marinig nyo!
At malamang “You better WASH out” pa unang words!
At balita pa pag si Santa ay namudmod
Ay hindi raw gifts sa sleigh nya ang naka-load
Sapagkat ang dini-deliver na nya ay FOOD!
Ngek! “O Holy Night” ALCOHOLY NIGHT na letra!
Kantang “White Christmas” ay magiging WHITE FACE MASK na!
At ang sariling ating Christmas song syempre pa —
“Pasko Na Naman” will be CURFEW NA NAMAN sya!
Kaya sana’y matapos na itong daluyong
At nang maging “Joy To The World” na ang ating song!
At “Happy Christmas (War Is Over)” ni John Lennon
Pagkat parang giyera itong sinusuong!
Jose Mari Chan’s “Christmas In Our Hearts” of course
Ay masasabayan pa rin natin nang lubos
Ngunit iba run hindi na maidaraos,
Ang mahalaga ay “The love we have for Jesus!”
- Latest
- Trending