Una sa lahat HAPPY EASTER po sa inyo!
Pasko ng Pagkabuhay sa araw na ito!
Pero PASKO NG PAGKABAHAY sa totoo
Dahil ONE MONTH nang quarantine sa house lang ako!
Kunsabagay halos wala namang nabago,
Medyo sanay na ako sa ganitong takbo!
Everyday kasi bago quarantine na ito,
Bahay – Eat Bulaga – Bahay lang ang routine ko!
Bale nawala lang yung pagpunta ng studio
At yung apat na oras nadagdag sa kwarto!
Ngunit sa gitna ng sinapit nating ito,
Maraming pagbabago nangyari sa mundo!
Sa mahabang panaho’t aming pinauso
Mga lansangan ginawa naming istudyo!
KALYESERYE yun pero nung na-virus tayo,
Ang broadcast lahat BAHAY-BAHAY, KWARTO-KWARTO!
Pwede na ngayon kahit na saan mo gusto!
Kahit wala pang make-up at hindi nag-shampoo!
Kanya-kanyang pwesto ubrang mag-usap kayo!
Bawas pa sa selfie at mga umuubo!
Biglang ang mga tao ayaw ng EHEM-PLO,
In other words pesteng EHEM at uma-achooo!
Mga Bucket Lists ay nawala rin sa uso
At waring lahat to SURVIVE na lang ang gusto!
‘Di kaya in the near future DISTANCE na uso?
Nang ‘di magbeso-beso ang mga mikrobyo!
Kahit hindi ka naligo ‘di mabibisto!
Pwedeng briefs lang sa TV ‘di kita ng tao!
At pag commercial break tatayo ang host nito
NGEK! BULAGA! Yan na ang title ng future show!
At pwede na ring mag-newscast mula sa banyo!
Babasahin yung dyaryo ‘tapos … alam na n’yo!
Yuck! Karaoke programs magsasawa tayo!
Malamang matuloy rin yung iniisip ko —
“STUDENT QUARANTEEN” … op kors kami pa ring tatlo!
Eh dyan din kami nagsimula for your info!
Akalaing may napansin pa Ang Poet N’yo —
Yung first five letters ng word na “survive” do you know
Pag nirambol ninyo ay VIRUS meron kayo!
Yan ang nangyayari sa dami ng oras ko!
Isipin nyo na lang Time is Gold, ginto ito
Ngek! GIN ‘TO? Drink na lang nang maging happy kayo!
That’s the result — naiisip kung ano-ano!
Pati nga why there’s EVEN in REVENGE ‘kita ko!
Gets nyo? To get even kapag nag-revenge kayo!
Basta habang nasa quarantine Ang Poet N’yo,
Salita ng Diyos at salita ng tao
Nailaan lahat ang maraming oras ko!
Ibig sabihin may good ding lumabas dito —
More to read, more to write and more prayers ang tao!
May araw ngang tatlong beses nagmisa ako!
Online Masses sa ratings ay Numero Uno!
Kaya nga DASAL ay THE SOUL katunog nito!
Para kasi sa kaluluwa natin ito
At hindi yung para manalo ka sa lotto!
That’s also THE SALAMAT ‘coz buhay pa kayo!