There is “END” in LEGEND inyo bang napupuna?
Kahit sabihin pang Living Legend ang isa
Pagkat LIVING katunog din ng LEAVING ‘di ba?
At katunog din ng LIBING ang masakit pa!
Wala na si Kobe … wala na si Black Mamba!
Lahat nabigla sa biglaang pagpanaw nya!
Lahat natulala, walang kaginsa-ginsa!
Natameme buong mundo isang umaga!
Matagumpay, mayaman, malusog, kilala!
Mababait ang mga anak at asawa!
At higit sa lahat ay napakabata pa!
Ngunit sa isang iglap biglang naglaho sya!
Sa bilis ng pangyayari’y mapapatanga,
Waring nais ipilit baka hindi siya!
At nang nagtining na at sya na nga talaga,
Madalas nating sinasabi ay ayan na —
“Ang buhay ay hindi mo masukat talaga!”
Hindi mo alam kung kailan babawiin ba!
Yun bang minsan tila isang panaginip sya —
Bigla na lang titigil kung kailan maganda!
Kaya nga yung iba ay sinasamantala,
Buhay na buhay sa buhay habang buhay pa!
At the end of the day eh baka nga THE END na!
Ngek! Ilan lang may sequel o part two kumbaga!
Ang buhay ng tao ay tila isang tula,
Kung minsan tunog sa dulo ay hindi tugma!
‘Di mo raw alam ay ‘di masakit sabi nga,
Lahat naman ng sakit ay sa naulila!
1978 pinanganak si Mamba,
Sabay ng mga SAWA ng isang eskwela,
Na nililingkis nyo noon para tumawa!
Black Mamba in … Ungassis … op kors Escalera!
Nag-basketbol sya, sa WANBOL kami nagtyaga!
Nagka-Vanessa sya, kami nama’y Miss Tapia!
41 years old ka lang … age ng Eat Bulaga,
Iskul Bukol Kobe … FOREVER kay Bathala!
At dahil sa nakakagulat ng balita,
Usapan tungkol buhay … buhay na buhay nga!
Kanya-kanya bang “quotes” o pamosong salita,
Naturalmente kanya-kanyang paniwala!
Syempre lumabas agad ang pinakabakya —
YOLO … ngek! O eh ano ngayon? Bitin yata!
Para lang bang ABAT … Ang Batang Aso Tuta!
Walang istorya at aasahan ay wala!
At sa ganang akin nagbalik-alaala
Ang paalala ng aking nasirang ama
Tungkol mabuting buhay … narito’t isa pa —
“A good life is expensive …
There is something cheaper
But it is not life!”
That’s the best at hindi YOLO na walang kwenta!
Well, “Living Saint” naman daw ang iyong katropa,
Maganda pero thank you at hindi bale na!
Yang mga ganyan parang trophy lang na mura!
Yung ALIVE AND KICKING na lang mas mahalaga!