^

Entertainment

FULL TEXT: Isko Moreno's explanation for lawbreaking, ‘trapo’ claims over product endorsements

Ratziel San Juan - Philstar.com
FULL TEXT: Isko Moreno's explanation for lawbreaking, ‘trapo’ claims over product endorsements
Manila City Mayor Isko Moreno “Yorme” Domagoso has recently been accused of violating a Local Government Code provision that prohibits local government officials from having other professions.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Manila City Mayor Isko Moreno “Yorme” Domagoso has recently been accused of violating a Local Government Code provision that prohibits local government officials from having other professions.

The mayor is an open endorser of many brands, including Belo and JAG Jeans.

“All governors, city and municipal mayors are prohibited from practicing their profession or engaging in any occupation other than the exercise of their functions as local chief executives,” reads Sec. 90 of the Local Government Code (Republic Act 7160).

 

Here’s how Isko responded to the matter:

"Nako, ito na. 'Yung mga pinag-uusapan ngayon. Oo. Nako. Kayong mga nasa studio. 'Yung mga nanonood. Nakonsulta ko nga kayo. Eh kasi, I don't know. Kasi...'di ba pumutok 'yung bulkan, tama ba?

Ayan si Chris. He should know. He should know. Anong epekto sa mga kababayan natin sa Batangas.

Ako naman, I don't know. I don't want to sound anything. Eh parang sinisilihan ang pwet ko.

Syempre, tutulungan ko sila, kailangan hindi ko naman napapaapektuhan 'yung pagtulong natin at obligasyon sa lungsod ng Maynila, tama ba? 'Yung pagtulong sa kanila is being Pilipino, not being Manilenyo.

Being Pilipino, the same thing that we did with Cotabato. Syempre, ako naman, may konting abilidad. Abi-abilidad lang.

Ewan ko. Sana si judge, maganda mapakinggan ni judge. Someday magkokonsulta nga tayo sa kanya.

Eh tingnan ninyo. 'Di ba lumindol 'yung Cotabato. Oo, nag-model ako. So what?

Tinamasa ng ating mga kababayang naghihinagpis, o hilahod, nalulugmok, doon sa Cotabato. 

Not a single cent.

I've seen that millions. It's millions. Thank you very much, Belo. Thank you very much, C-Lium. O 'yan, 'yang mga 'yan. Amazing Coffee. JAG.

Lahat 'yan, ng mga pinagmodelan ko, ni-singko 'ala kong... hindi ko pa nakita. O 32 million napunta sa...32.5 sa PGH. Cancer ward for kids. Hindi ko nakita 'yun.

Ito na naman, nagkasunod-sunod ang hamon sa bansa. Ang laki. Naapektuhan nga tayo rito eh, 'di ba? Eh may mga pending ako.

O 'di tinawag ko. Sabi ko doon sa Dimsum Factory, o ano, halika na. Pumunta ka na sa Lunes. Dalhin mo na cheke mo. Oo na 'ko.

Sa totoo lang ho, ang daming naka-pending. Alam ng mga manonood 'yan na may mga malalaking kumpanya. Ang daming naka-pending. Naghahanap lang ako ng reason where to give.

'Yung Chooks-to-Go, mapupunta sa UDM. 'Yung kalahati nung IAM Coffee mapupunta sa UDM, magtatayo ng computer laboratory. Yes, estudyante ng Maynila. Binabayaran na nga 'ko eh, sabi ko, 'Hindi. Hindi mo 'ko kailangang bayaran. Donate mo doon sa UDM.'

Pumirma ako. Tinawagan ko naman 'yung Novu, Novuhair. Sabi ko, 'Sige. Punta ka sa Lunes.' Two million sa Novu, two million sa Dimsum Factory. Four million. Tingnan ninyo. Ito nga 'yung isang ano. ADB Pharma. Ito sa ano 'to, Novuhair ito.

Parang itong anak ko (Joaquin). Tingnan mo, natuto. Siguro nanonood ng ano ko ito eh. Province of Batangas ang cheke. 'Di ba?

Four million. Ang totoo dyan, mapupuyat pa ko. Mapapagod pa ko. Dahil kailangan ko pang mag-shooting. Kasi obligasyon ko na 'yun. Eh hindi ko lang ho maintindihan.

Husgahan niyo na nga ako. Kailan ba ako nagkubli sa inyo?

Eh mukhang maraming naapektuhan sa pagmumukha ko sa EDSA.

Affected. Eh ako ayaw ko naman silang pagpapatulan. O basta saksi ko ang Diyos. Mag-real talk na tayo. Anong intention? Anong intention ko. Now the question is, kayo po, did I use my authority, power...office for me to gain?

'Di ba? Eh may mga naggagaling-galingan. Kung ayaw niyong tingnan 'yung litrato ko, eh di ipikita niyo mata niyo. Nabwibwisit pala kayo eh. Affected pala kayo eh. Eh samantalang 'di ba naaalala niyo nananawagan pa nga ako?

O, pasensya na kayo ah. 'Di ba naalala niyo sabi ko 'Pasensya na kayo.'

Pasensya na kayo. Eh baka manawa kayo sa pagmumukha ko sa ano, sa EDSA. Pagpapaumanhin. 'Yung billboard, 'yung picture, is only the byproduct of the intention.

Hindi ko naman 'yun ginawa para sa 'kin eh. Kailangan ko lang tupdin yung nakasulat sa kontrata. Ano 'yun, manghingi ako, 'ala lang?

Tanong, 'yung mema, ano kaya ang itinulong noon sa mga taga-Batangas?

Kung gusto niyo, real talk eh. O, 'di ba? Tutal eh kayo anong tawag niyo sa sarili ninyo, disente? Hmm. Eh kasi kung makapanghusga tayo eh. O 'di ibig sabihin, ika'y banal.

Ako'y hangal. Ganon 'yon eh. O 'di let my maker judge me later. Hindi ko maintindihan, talaga bang makati ang mga pwet ninyo pag usapang pulitika? Talaga bang kapag kayo'y mga bata ng pulitiko, o tao ng politiko, 'ala ba sa inyong tawag na kunting delicadeza? Na ka pag oras ng delubyo, oras ng trahedya, isasantabi natin ang mga kulay natin sa mundo ng pulitika?

Akala ko ba public service ang gusto niyo? Kaya kayo nag-aasam na agawan ang gobyerno? Kaya kayo nag-aasam na agawin ninyo yung pwesto ng may pwesto. Akala ko gusto niyo public service? Eh kanino ako na-inspire? Ba't ko ginagawa 'yun? Sa inyo! 

Bakit ako na-inspire? O, seven years old. Tinulong niya piggy bank niya. Ibigay kay Isko, kay Yorme, doon sa Maynila dahil taga-Caloocan siya. Para raw ipampagawa ng bahay sa mahirap. O, ako lang ba ang na-inspire?

O, tao sa mundo. OFW. Immigrants. Kapwa natin Pilipino rito.

Ayan o. Lima. Ang dami ko na namang pera. Mamaya magkakwentahan na naman tayo. Opo. Dulyar. Canadian.

Ayan o. 'Di ba, Hong Kong. Dulyares. Money order. Kayo 'yan eh.

Bakit? Ngayon lang ako nakakita ng taumbayan, dino-donate ang hard-earned money niya sa gobyerno na supposed to be ang hirap pagkatiwalaan?

Nakarinig na ba tayo na ang tao nagdo-donate ng pera sa gobyerno? Wala pa. Sa tagal ko. Magdadalawampung-taon na 'ko sa pamahalaan mahigit eh. 'Ala ko...ngayon lang eh. If you can do it, why can't I?

Wag tayong mapanghusga sa buhay. Pagka delubyo, delubyo. Pag trahedya, trahedya. Walang dapat na kulay ng pulitika.

Eh kayo nga eh. O, 'di ba epal din kayo? Bakit? Nagpa-picture pa kayo habang nagbibigay ng bigas sa taal eh. 'Yung grupo na 'yun. Sa susunod papangalanan ko kayo.

Eh nagagalit kayo, pinagalitan ko kayong pinturahan ninyo 'yung pader na may pader dito. Eh hiningi ko lang 'yun. Ipinangmalimos ko lang 'yun dahil dugyot 'yung underpass. O ngayon sasama ang loob ninyo nung nagkaroon ng gobyerno na nagsasaayos lang, o dahil sumama ang loob ninyo o hahanapan ninyo butas na may butas? Kahit butas ng karayom, bubutasin ninyo? 'Wag po.

Ako sana, kaawaan ako ng Diyos. Palawakin ang aking damdamin na unawain kayo. Pero hindi lahat ng pulitiko mahaba ang pasensya. 'Di ba? Tapos kung mangangatwiran tayo baluktot? Dapat daw payagan ko ito. Dahil yung ginawa ko daw iligal? Dahil under, ano yun, Section 90, Occupation? O 'di ba? Mema eh.

Tapos itong maganda, halatang halata mong masama ang intention. Alam niyo ano ang maganda? Para malaman niyo, halatang halata mo pulitika ang intention eh. Pinin to top pa. Sa dami ng tinira niya sa gobyerno. O 'yung akin, doon niya nilagay. Pin to top. Alam niyo bakit? Para ma-caught ang attention niyo. O para mag-viral, para sikat siya. 

Tanong, anong buti noon sa Batangas?

Dahil nainis ka lang sa pagmumukha ko sa EDSA? Is that fair? Dahil minsan ko lang hinuli ang mga kasamahan mo? Ay mali? Dahil baluktot ang pangangatwiran ninyo? Ewan ko lang ah. 

Kaya na walang nagkakagusto na sa inyo eh. Kaya nasusuklam na ang tao. Wala nang ginawang tama ang gobyerno eh.

Tanong. Tanong. I challenge you. Eh di puntahan niyo yung mga kontrata na pinirmahan ko. Tanungin niyo. Kaya nga, kaya ko 'to gustong gusto eh, sa totoo lang, yung mga ganito. Para magpatunay na kahit man lang sa ganitong bagay, mapatunay na 'ala kahit singkong duling.

 Alam niyo magkano na? Humigit kumulang P50 million na.

Tanong, nagtatampo ba 'ko sa pera? Bago kayo magkamali, hindi totoo 'yun. Matino pa kaisipan ko. Pero ano pa ang hahanapin ko sa buhay? Basurero lang ako nung naging mayor pa 'ko.

'Di ba? Mga kababayan, sila naman kaya ang tanungin natin. Pera ng gobyerno, binili ng bigas, picture taking, ipo-post sa Facebook. O, anong pinagkaiba niyo sa ibang pulitikong sinasabi niyong maepal. Eh kayo'y epal din. The sauce for the gander is the sauce for the goose.

Hindi ho ba? Sabi, 'Hindi wag mo nang pansinin.' Ay hindi. Hindi ko sila pinapansin. Gusto ko lang malaman ninyo ano ba ang intention. Kaya 'yung picture, byproduct lang 'yan. Pero kung kinakailangang...lahat ng katawan ko, mapaglingkuran ko lang kayo nang maayos, 'yun gagawin ko 'yun. Araw, gabi, tanghali, madaling araw."

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with