^

Entertainment

‘Manok na Pula’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
âManok na Pulaâ
Ang Poet Nyo at ang Manok na Pula on the dungeon wall of Saint Pierre en Gallicante in Jerusalem in March of 2014. This spot is believed to be the location of the High Priest Caiaphas’ palace where Peter rejected and denied Jesus three times! When I returned in October of 2019, wala na ang Pulang Manok! I would like to think that the ‘special preview’ was a reward for my doing Peter in the rock opera Jesus Christ Superstar in our very first TV show 50 years ago!

Marami-rami na rin akong naisulat

Tungkol sa “MANOK” na sa akin ay gumulat

At isang munting himala ko tinanggap

Nang five years ago sa Holy Land ay naganap!

Kung ano man ang dahilan at nagpakita

Isang tila hugis manok na kulay pula,

Sa ganang akin ay hindi na mahalaga

Kung hindi ang sa ati’y pagpapaalala!

Ang paliwanag na tangi kong niyayakap —

Mga pulang mantsa ay tanda ng naganap

Na pagdurugo dahil sa mga tinanggap

Na hagupit at iba pang pagpapahirap!

Ang manok ay waring isa ring paalala

Na nangyaring pagtilaok isang umaga

Sa tuwing si Pedro ay kinakaila ba

At sinasabing hindi S’ya nakikilala!

Isa lang kaugnayan ang aking nahanap

Kung bakit pulang manok nakita’t pinalad!

Nung “Jesus Christ Superstar” sa TV ginanap

Noong Dekada Sitenta ay MAY TINAMAD!

Bayaan n’yo Ang Poet N’yo mag-explain kasi —

Sa kauna-unahan naming show sa TV

At hindi pa nga kami Tito, Vic & Joey,

Kasama pa namin Apo Hiking Society!

“Okay Lang” ang pangalan ng show at sa Trese!

Ang direktor pa namin ay si Rollie Grande!

Bata lahat at mapangahas kami syempre

Kaya “JC Superstar” tinira sa ere!

Ang siste ay ili-lipsynch ang buong plaka!

Kaya mga papel ay nagkapilian na!

Jim Paredes ang Hesus … mukhang mabait sya…

Si Danny Javier ang Hudas lalayo pa ba?!

Ang ibig kong sabihin na noon kumbaga,

Sanay na sanay na sila sa isa’t isa!

Whew! Basta mga main characters sila muna!

Pilato si Boboy Garovillo nga pala!

At noong panahong ‘yon sa naaalala,

Naloloko sa poker ang buong barkada!

Pati Executive Producer … si Bong Serra!

Pwera kay Direk at Jim … lahat may baraha!

We’re not sure kung si Paredes dinibdib role nya!

Basta halos lahat pumipinta sa mesa!

Pag rehearsals pa nga ay ayaw maabala!

Hanggang ngayon kay Boboy ako’y may utang pa!

Akalain nyong yung sabit ko FIFTY YEARS na!

Ngek! Kung ibinangko malaki na kinita!

Five Hundred Pesos yun at noong Seventies pa!

Don’t worry Boobs at mababayaran din kita!

Teka’t sa kwento ko tayo ay nawala na,

Si Ricky Manalo nag-Herodes nga pala!

Si Cathy Earnshaw pumapel na Magdalena

At ang Tito, Vic & Joey roles ay eto na …

Our Senate president now ay High Priest noon sya!

Siya si Caiaphas at high na high talaga!

High and wide … mataas at malapad kwelyo nya

Nang bibig at pagli-lipsynch hindi makita!

Pa’no nga hindi nagre-rehearse yung dalawa!

Korek, si Pareng Vic yung utol nya ginaya!

Sya naman si Annas at High Priest din papel nya!

At ako? He, he, he … kayo na ang humusga!

Kung ako’y mas malala kaysa sa dalawa …

And this is it … my KONEK sa manok na pula —

You’re right, the role of PETER ang aking kinuha!

Sa buong play, “NO, NOT ME!” Yun lang aking linya!

Nagpakita sa akin ang manok na pula!

That’s my reward for doing Saint Peter’s persona!

Short man ang role, long naman ang aking memorya,

Dahil yung RED ROOSTER ay TANDANG… tanda ko pa!

MANOK NA PULA

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with