Sa apat na dekada na ng Eat Bulaga,
At sa dinami-rami na rin ng nagawa
Na mga ‘di malilimutang pampatuwa,
May isang mga manunood dinakila!
Paghanga ng marami hindi makaila,
Lahat kasangkot, ikaw at iyong kapuwa!
Malalim na kaalaman ang mapapala,
Pagkatapos ng palabas … ngiti’t luha!
Pinag-uusapan ay wala na ngang iba
Kundi “Bawal Judgmental” ng aming programa!
Lahat yata ng paksa’y napag-usapan na —
Mula sa maliit hanggang makontrobersya!
Tungkol kasariang nagkagulo-gulo na!
Mula sa mga lalaki na nagpapalda!
Mga maglaladlad o mag-out na una!
LGBTQA plus at iba pang letra!
Maging sensitibong AIDS ay tinalakay na
At mga biktima humarap sa kamera!
Matapang na pinag-usapan sa programa
Ngunit sa wari namin mas matapang sila!
Kung Tatagalugin “Bawal Judgmental” kaya,
Ano pagsasamahin mong mga salita?
Para sa akin, Wag Husgahin ang nagawa
At ang “hin” ay pinanggaling ko sa hinala!
Kung kaya … wag manghusga gamit ang hinala!
May magsasabi dyang mali at may oo nga!
Ngunit wag ding kalimutang tayo’y may laya
Na lumikha ng sarili nating salita!
Hanggang naririnig ang tao at may dila
At sinasabi ay mabibigyang-unawa,
Karapatang gumawa ng bagong salita
At ‘di mapipigilan ng iyong kapuwa!
Noon bang salitang “selfie” ay nalathala,
May umangal ba at pagtutol ay ginawa?
Sa “freedom of speech” kasama ri’t nagmumula
To create new words! Dapat bawal — yung madada!
Coined word sa Ingles tawag sa ganyang salita,
Two words or more pinagdudugtong pagkahiwa!
The word “kapit-bahay” ay isang halimbawa
At sa kalapit bahay ito nagmumula!
Yun namang “kabiyak ng puso” halimbawa,
Mga linyang ganito’y gawa ng makata!
Asawang tunay ito ngunit ang masagwa —
“The other wife” … kabiyakan lang tawag yata!
Ops, bago pa mga madirihin mandigma,
Kabiyakan ay kahati … kasalaula!
Uy, nagkapatong-patong na problemang salita!
Kasalo at kaulayaw … hmmm, tama na nga!