^

Entertainment

‘Through the years…thanks for EATing!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Through the years…thanks for EATing!’
Happy New Year from your Eat Bulaga Dabarkads: (Standing from left) Direk Poochie Rivera, Maru Sotto, Jose Manalo, Jeny Ferre, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ang Poet Nyo, Bossing, Pauleen Luna-Sotto, Ryzza Mae Dizon and Luane Dy. (Seated) Paolo Ballesteros and Jewel Cancio.

Matapos ang Pasko, ang panahon ng giving,

Babalikan ko lang nakaraang Thanksgiving

Dahil t’wing Bagong Taon sa ating paggising,

Nararapat lang na pasalamatan natin!

Naisip ko isang umaga pagkagising,

Thanksgiving Day wala tayong sariling atin!

Pero nalaman ko nang aking saliksikin,

Nung sakop tayo ng Kano ay may Thanksgiving!

For fifty years meron pala tayong Thanksgiving!

You mean to say also we are English speaking?

But I don’t remember my Mother to me telling

That they have plenty plenty turkey eating eating!

Kaya nga ang turkey hindi uso sa atin,

Naging nasyon tayo ng mahilig sa chicken!

Ngunit Delaware Indians nung unang Thanksgiving,

Ang tawag nila sa pabo ay TSHIKENUM din!

Ang chicken, turkey, ostrich, basta lahat may wings,

Ang lahat ng ‘yan ay birds nating tatawagin,

Pwera bat basta with two legs and wings bird na rin!

Paano raw tao? Bakit, ‘di ba may “bird” din?

Para even dahil two legs din naman women,

Ang babae? Eh di chick nating tatawagin!

Sa Turkey the nation and bird nauna’y alin?

Nauna ‘yung bansa kaya Happy Turksgiving!

Naisip pa nga yata ni Benjamin Franklin

Na ang turkey ang gagawin nila na emblem

Subalit parang kulang sa angas ang dating

Kaya bald eagle napili ng kanilang team!

And why the turkey nung first Thanksgiving kinain?

Feathers kasi nito ang madalas ahitin

Ng mga Indians at headdress ito’y gagawin!

Cook na lang turkey at hubo na’t giginawin!

Kayo man walang balahibo ay isipin,

Siguradong mangangatal tuka o ngipin!

Bago makabuo suklob na susuutin,

Ilang turkey inahitan can you imagine!

Hindi lang naman daw turkey ang nakahain

Noon sa first Thanksgiving dinner with the pilgrims,

May mais, prutas, lobster at ibang seafoods din!

At sa dessert dahil autumn may pie na pumpkin!

Ayon historians three days tumagal ang dining!

‘Yan ang kauna-unahang Day of Thanksgiving!

Mga pinakain ‘di nila akalain…

Kakainin din pala kanilang lupain!

Kaya wala man o meron tayong Thanksgiving,

Hindi mahalaga kung ano man kakanin,

Basta Ang Maykapal ang ating bubusugin —

Pasasalamat nating tunay na taimtim!

Ngayon pa lang kayo na’y aking babatiin

Ng Happy New Year para sa taong parating!

At sa love through the years sa Eat Bulaga namin —

Eh ano pa nga ba kundi Thank You for EATing!

THROUGH THE YEARS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with