‘Izmir campaign!’

More columns in this column — PEPE (Jose, that’s me) and PILLARS at the newly excavated ruins around Ephesus!

Hello and goodbye Ben Gurion and Tierra Santa

Subalit ang pilgrimage ng grupo ay tuloy pa,

From Tel Aviv to Istanbul then to Izmir pa,

On October 13 La Casa de Maria!

Ephesusmaryosep at ang ganda talaga!

From Holy Land to WHOA-ly Land magugulat ka!

Bukod sa may “Hesus” sa Ephesus lab ko s’ya

Dahil my Mama Mary dito nakatira!

Ayon sa kasaysayan ang Inang Mariya

Dito S’ya kahuli-hulihang nagpahinga,

Inabot pa birthday ko sa teritoryo N’ya

At ‘yun ang regalo kong pinakamaganda!

Pagkatapos ang mga pilCRims ay nagpunta

Ops, “pilCRims” ang itawag natin sa kanila,

Capital C & R ang spelling talaga

Pagkat laging CR ang hinahanap nila!

Ngek! Ganyan daw Peregrinong Pinoy kilala!

‘Di naman siguro’t sila la’y sigurista,

Imadyin kung may “feel-girl” este, pilgrim pala

Na transgender eh saan na ito pupunta?!

So, nagpunta nga kami sa nahukay nila

Na isang lumang syudad may coliseum pa!

May dati pang CR ng mga nakatira!

Buti na lang sa group walang kursomunada!

Este, kumursunada pala’t eto kwela —

Yung Ephesus excavation na binisita,

Akalaing may “evacuation” pang nakita!

Ang nakakagulat dikit-dikit kubeta!

Yun bang magkakatabi kayo’t sama-sama!

Dikit mga hita ng mga uukupa!

Hubo’t hubad s’yempre at lahat kitang-kita!

Kaya mga bading nun pa ma’y marami na!

Kaya Trip to Jerusalem medyo luma na,

Yung modernong version nagbabawas ng silya

Subalit noon Roman soldiers sa kubeta,

Ang upuan steady … Nagbabawas … Sila!

Ngek! Sandali’t kung saan na tayo napunta!

Actually yung tour guide marami pang istorya —

Kesyo toilet seats nu’y marble or granite lang s’ya

Kaya ang lamig sa puwit at hita nila!

Pero may heater din kaya lang ang sistema —

Ang mga alipin pauupuin muna

Nang hanggang sa mangasul mga balat nila!

Mainit na ‘yun! Uupo na mga bida!

The next day, October 14 at birthday ko pa,

Sa Istanbul ang buong grupo lumipad na,

Nang kargador nakita dami ng maleta,

“Why did you bring entire Philippines to Turkey?” Nyah!

Ang Poet N’yo, Jocas and Eileen and the house where the Virgin Mary (Meryem Ana) lived and died. The House of the Virgin Mother is both a Catholic and Muslim Shrine.

 

Show comments