“God bless you! Mama Mary loves you!” sabi nino?
Bago kung kanino sumikat linyang ito,
Today is the Blessed Virgin Mother’s Birthday ‘no
Kaya to Mama Mary, Happy Birthday to You!
Hmmm… kaya time out na muna ako siguro
Sa pagbibiro’t pipiliting maging seryo
Pero hindi ko maipapangako ito,
Abangan na lang natin… depende sa takbo!
Sa nagtatanong pa rin kung bakit a ocho,
Gawi’y nine months paatras ay bumilang kayo,
Sa December 8 papatak ito eksakto
At Immaculate Conception of Mary ito!
At nung August 28 naman taong ito,
Dahil sa pangangasiwa ni Eileen ’ng wife ko,
Napakapalad at naging bahagi ako
Na mapakinggan pinapahulaang tao!
Si Father Jerry M. Orbos, SVD ito,
Sa may birthday ngayon isa rin s’yang deboto
At sa pinakaunang buhay na engkwentro,
Matinding paghanga at may napulot ako!
Tungkol “humility” unang binanggit nito,
Ito’y pagpapakumbaba ng isang tao!
‘Wag magmataas, to be humble ay matuto,
Sa tinurang ito ay napaisip ako!
Pag koleksyon na ibig sabihin ba nito
Doon sa ibibigay imbes na sanlibo,
Magpakumbaba’t gawing limandaaang piso?!
At nakapangalumbaba pa si Aquino!
Ngek! O ayan na nga ba ang sinasabi ko!
Hindi rin makapagpigil itong Poet N’yo!
Lalabas at lalabas din kung ano tayo!
Katulad Father Jerry patawa… rin ako!
Si Father Jerry ‘di ko kayo niloloko,
Kanyang tunay na pangalan ay Agerico!
Kauna-unahang nakadaumpalad ko
Sa Mount of Temptation Restaurant… sa Jericho!
Nagkataong pareho kaming peregrino
Sa Israel ngunit magkaiba ng grupo,
Dun sa Mount of Temptation Restaurant pareho
Kaming dalawa sa lamb chops nila natukso!
Eh napakasarap naman talaga dito!
Magpahanggang ngayon wala pang kapareho!
Kami nga ni Mike Enriquez na kasama ko,
Sa aming dalawa yata’y SAMPUNG PIRASO!
Sa bandang ribs ang lamb chops makukuha ito
At si Father maihahalintulad dito —
Tender ang dating pero ayos buto-buto
Sapagkat rib-tickling ang kanyang mga kwento!