^

Entertainment

‘Panhik Bhutan!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Panhik Bhutan!’
My 2018 Camino de Santiago pilgrimates in Bhutan: Norman and Minnie Macasaet, Lilit and Abby Tumbocon, Danny and Tessie Moran, Ato and Joji Yap, Raul and Rizza Almendral, Tito and Stella Manalo, Beth Saldana, Joy Schallenberg, Levy and Roxanne Espiritu with daughter Larissa, Joey and Eileen de Leon with daughter Jocas and Father Noy Oliveros. They all trekked up Tiger’s Nest minus Ang Poet N’yo .... ayaw ng LEON sa TIGRE!

Matapos ang napakatinding kagalakan

Sanhi ng naabot at napagtagumpayan

Ng Eat Bulaga sa telebisyong tanghalan,

Lumayas at nagpuntang Himalayas naman!

 

Nag-peregrinong muli ang isang dahilan

Sa lugar na mataas at pasalamatan

Ang S’yang nasa itaas sa aming nakamtan

Na sa wari ko’y mahirap namang a-Bhutan!

 

Korek! Lumipad sa Kaharian ng Bhutan!

Sabihing nagbibiro lang eh kasi naman

Sa t’wing ‘yang 40 years papasok sa usapan

Eh bakit hindi ka naman kikila-Bhutan?!

 

Nag-Camino na nitong taong nakaraan

At pasasalamat kay Saint James pinadaan

Para sa apat na dekada’y idinaan

Sa paglalakad … pero sa Espanya naman!

 

Sa nag-iisip du’y wala yatang simbahan

Sapagkat Budismo kanilang nakagisnan,

‘Wag mag-alala at solusyon nagawan —

Eh di nagdala ng sariling pari na lang!

 

Si Father Noy sa Camino rin nakasama!

At pagdating Bangkok nag-overnight na muna,

Sumakay ng Drukair paggising sa umaga

At sa tuktok ng mundo doon nga nagpunta!

May napansin lang ako sa plane s’yanga pala,

May binibigay silang pantakip sa mata,

Dapat yata pang-cover sa buong mukha na

Upang matakpan din ‘yung mga nakanganga!

 

Subalit ako talaga ay napanganga

Sa aming piloto nang sya’y magmaniobra!

Mga bundok kasi ang pinipinahan n’ya

Paglapag sa Paro at napakaulap pa!

 

Bago pa sa Bhutan magpunta’y nagbasa

Ng tungkol sa mga kinakain nila

At sa ilang Eats ay na-Bulaga kumbaga —

Shakam Paa, Phaksha Paa at Sikam Paa!

 

YAK! Not the National Animal pala nila!

Yeah, Phaksha Paa may beef and yak na kasama!

And if you love bacon na on the next level pa,

With fried pork belly and chilies it’s Sikam Paa!

 

Takin ang National Animal na talaga!

Body of a yak and head of a goat hitsura!

And if you like noodles parang Japanese soba

At gawa s’ya sa buckwheat eh di mag-puta ka!

 

‘Wag matakot sa Momos at dumplings lang ‘yan ba!

Pag nag-soup ng milk and vegetables eh Jaju ka!

Basta sili at keso ay mayaman sila …

Chili ka lang and say Cheese nang laging masaya!

 

Gross National Happiness ang Bhutan kilala!

Saya kaysa Man-ya ang pinipili nila!

Ang kayamanan nasusukat sa ligaya!

‘Yun sa Bhutan tunay na ipinagkaiba!

 

Kung nagyoyosi ka Nganga ka dito bata!

Bawal happiness from yosi for your bunganga!

Merong kapalit ‘yung kay lolang nginangata —

Nganga! Na sa dulong letra ay may pakupya!

 

Pagdating sa pananamit sila na pinaka!

Halos lahat naka-National Costume nila!

Gho sa lalaki at sa babae ay Kira

At wala nga palang traffic lights sa kanila!

 

Kaya alam n’yo nang no road rage sa kanila,

Walang aabot korte dahil kortesiya!

‘Di nga pinapatay kahit anong hayop pa!

Lahat ng karne dun imported pa sa India!

 

Ngunit dito sa ginawa kong Panhik Bhutan,

Noong August 7 I pressed the Panic Button!

Pero mahaba na kaya next column na lang,

Op kors Bhutan Ding este, Bhutan din usapan!

BHUTAN

PILGRIMAGE

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with