^

Entertainment

‘Panghimagas Ni Misis’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Panghimagas Ni Misis’
I call my wife Eileen (shown here with Jocas) 'MY MOMMY KO!'. This is the first Mother’s Day without my Mama Emma kaya naman everytime I pray now DALAWA na sila ni Mama Mary na tinatawagan ko! To all my Moms I LOVE YOU ALL!

Nakukunsume? Balisa? Naguguluhan?

Sa salitang Ingles isa lang kahulugan —

STRESSED ka at matagal na rin nating alam

Na salitang ‘yan DESSERTS ang kabaliktaran!

 

Ano ba, ito ba ay nagkataon lamang?

Baka ma-stress ka lang kung pag-iisipan!

Basta mahalaga at tanggap natin naman —

Kung STRESSED ka ay DESSERTS ang isang gamot d’yan!

 

Hindi nga sapat pag no dessert ang kainan!

At kung minsan nga ‘yun nga lang nilalantakan!

Ang main course and event nga ay nilalagpasan!

Bibig ko’y ubrang pamahayanan ng langgam!

 

Sa desserts ka lang talaga napaya-yum yum!

Well, nasa sa iyo kahit ‘di mo tantanan

Ops, control kung miyembro ka ng MEDIA naman…

MEDIA… MEDIA-BETES ang ibig sabihin n’yan!

 

Subalit may isa lang akong katanungan —

Kung sino ba ‘yang magaling na nagpangalan

Sa Tagalog ng dessert na may kapanghihan!

PANGHIMAGAS? Bakit hindi MATAMIS na lang?

 

Dahil pagsaliksik parang dessert ko na ‘yan,

HIMAGAS naman siguro ang pinagmulan

Ngunit alisin na rin HI at MAGAS na lang,

MAGAS ay pinaikling MAG-ASUKAL naman!

 

PAMPAALIS NG SUYA ang tawag d’yan minsan

Ngek! Nabusog na nainis pa? Ano ba ‘yan?

Basta dessert o panghimagas ano pa man,

We deserve to be served pagkatapos kainan!

 

Desserts ngayon marami na ang matitikman,

Ngunit sa pagkakataong ito’y bibigyan

Ng balik-pagtanaw at pahahalagahan

Ang mga panghimagas na nakalakihan!

 

Lahat naman ng desserts sa akin ay welcome!

But may mga “pinaka” sa aking listahan —

It’s a Thai I mean from Thailand… Khao Niao Mamuang!

‘Yan ang Mango Sticky Rice kung ‘di pa n’yo alam!

 

Naturalmente Mango Sago at Ginatan —

Lalo Munggo, Mais at halo-halo laman!

Pero para sa ‘kin ang ‘di pagsasawaan —

HALO-HALONG MAY KASKAS NA YELO’T MALAMAN!

 

Nung araw ang Ice Cream pag merong may birthday lang!

Fruits madalas dessert— mangga, saging o pakwan!

MILON ay iniinom like sago’t gulaman,

PANUTSA ang malimit sa natatandaan!

 

Panutsa kung inyo nang nakakalimutan,

Pinatigas na matamis na bao lang ‘yan!

Korteng bao talaga na magkasakluban,

You can make ngatngat or tadtad… kendi labas n’yan!

 

‘Yan ay ‘yung sa amin na buhay ay simple lang,

Kaiba sa mga kaibigang mayaman —

Doon ay may platito pa na lalagyan…

Lalagyan ng Apple Pie o kaya’y Leche Flan!

 

Ngunit aaminin ko at katotohanan,

Tunaw ang halo-halo sa pangkalahatan!

Hindi na naglaho ligaya nang matikman…

ANG MATAMIS NA OO NI EILEEN DE LEON!

vuukle comment

EILEEN DE LEON

MOTHERSDAY2019

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with