‘Hunchback Este, Franceback!’

Pasensya na Notre Dame, Eiffel atbp. but this is my all time favorite picture taken in France ­— I Louvre it!

Sa mga nakapunta na at nakakita

Sa Notre Dame de Paris at makita siya

Nang nagdaang Lunes Santo na nasusunog na,

‘Di maiwasang magitla at mapanganga!

 

Malamang kasi na kayo’y may magaganda

At ‘di malilimutang mga alaala

Kasama ang isa sa pinakamaganda

At pinakamakasaysayang makikita!

 

Akalain bang sa Saint Peter’s Basilica

Sa Vatican ng Mahal na Papa sa Roma

Ang dakilang katedral ay mas nauna pa!

Ang nangyari ay nakagigimbal talaga!

 

Subalit may mensahe nga bang mahalaga

At nangyari simula ng Semana Santa?

Ang pananampalataya ma’y iba-iba,

Sa panghihinayang lahat nagkakaisa!

 

Nais ko nga ring magpasalamat sa Kanya

Sa ilan ding pagkakataong nakasama —

Magsimba’t nagmisa minsang Bagong Taon pa!

Merci beaucoup Notre Dame! Rest muna! Au revoir!

 

Sa mga paglalakbay na nagawa ko na

Lalo na sa mga bansa sa Europa,

Sa mga maraming ulit nang nabisita,

Sa aking palagay isa na ang bansang Pransya!

 

Tingin ko kasi pag ako’y nasa kanila,

Parang nasa Pinas, hindi tayo kaiba!

Sa dalawang dahilan ‘wag kayong tatawa —

Bukod kasi PANDAK… SUSÔ tsibog din nila!

 

Escargot nga lang sa susô ang tawag nila!

Sahog na langis at gatâ lang nagkaiba!

Marami tayong beaches at gayon din sila,

Lamang lang sila sa dami nang naka-BOMBA!

 

Marami-rami na ring sa Pransya’ng nakita

Bukod sa mga sikat nilang estraktura,

Mga museo’t mga lugar ng pagsamba,

Op kors yung mga naka-BURLES na shows nila!

 

Ngek! Eh ‘yun talaga ang kanilang kultura —

There’s Moulin Rouge, Crazy Horse at Lido oh la la!

Oo lalabas ang alam n’yo na talaga!

Cabaret ang tawag din at walang malisya!

 

Sa atin pag sinabing KABARET yari ka!

D’yan yung sinusugod ka ng iyong asawa!

Sinasayaw marino mo ang isang bella

At ang tiket sa leeg mo ay isang milya!

 

Ngunit sa seryo ito la’y tungkol nostalgia,

Dahil mga Pranses likas lamang masaya!

At dumami lang ito matapos ang gera,

Pumipila lang naman ay mga turista!

 

Dahil d’yan biglang bumalik sa alaala

Nung wala pang “EAT” at kami’y Student Canteen pa,

Mga Folies Bergere ay aming nakasama

At na-shock mga nanood sa Araneta!

 

Eh paano naman eh topless nga talaga!

Next night pinagsuot ng bra ni Miss Imelda!

Nang sila’y umalis they gave us some alaala —

Binigyan kami ng souvenir — T-BACK nila!

Show comments