^

Entertainment

‘Dalagang Pilipina’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Dalagang Pilipina’
Ang Mga Dalagang Pilipit na este, Pilipina ng Eat Bulaga: Ryzza Mae, Ruby, Pia, Maine and Luanne

Pinagkatuwaan at nauso kumbaga

Sa telebisyon lalo na sa social media —

Role model noong panahon ni Maria Clara

Walang iba kundi DALAGANG PILIPINA!

 

Ang alam nating ganyan noong sinauna

Ay mahinhin at tahimik lamang talaga

At kung sakali man siya ay mapatawa,

Tiyak abaniko bibig itatakip n’ya!

 

Halos hindi maririnig kanyang pagtawa,

Marahil sa pagpigil s’ya la’y mamumula!

Ngunit ngayon dalaga man o sinalanta,

Pagtawa makikita pati ngala-ngala!

 

Ibang-iba nun ang Dalagang Pilipina,

Mga sakong nga ay hindi mo makikita!

At kapag yumuko tutop ang dibdib nila,

Nakakamisong makapal kahit walang bra!

 

Wala s’yang kolorete dahil nga wala pa!

Pulbo lamang sa mukha ang iniispongha!

Amoy lang ng bagong ligo ang pabango n’ya

O kaya’y ang nakasabit na sampagita!

 

‘Di ubrang sa tabi-tabi’y kausapin s’ya!

Kung nais mo’y dumalaw kaya’y mangharana!

Kasabihan nga nun hindi s’ya basta-basta!

Unlike now BASTA MAY BUKAS NA BAR SASAMA!

 

Naturalmente pinagbago’y malaki na!

Dalaga nun museo na lang makikita!

Maria Clara siguro na la’y dadalawa!

Kung sino sila? Eh di si MARIA at CLARA!

 

May tattoo nga lang nun ay mga Igorota,

Ngayon yata meron pati elementarya!

Tuluyan na ring naluma baro at saya,

Sa beach nga kapag WALANG BARO … MAS MASAYA!

 

Ngek! Subalit ganon ang panahon talaga,

Nagbabago’t nag-iiba modo at moda!

Ako’y nagulat nga’t nagbalik alaala

Ngayong panahon ang Dalagang Pilipina!

 

Kahit na pa ginagawang nakakatawa,

Nakakatuwa na nasa kamalayan pa

Ang nagdaang panahon nina Tandang Sora;

Kasaysaya’t buhay ng ating mga lola!

 

Ang Poet N’yo ay nagbibigay pugay din ba

Sa mga naunang mga Dalagang Pilipina,

Tulad ng sinabi sa isang lumang kanta —

Dalagang Pinay “parang tala sa umaga!”

 

Teka sa sumulat nito sandali lang ha,

Ba’t ‘di binanggit kung gabi eh ano na s’ya!

Ano man ibig sabihin, tanong lang sana —

“Tala sa umaga” … sa gabi ba’y TALO na?!

 

Biro lang, op kors lumang kanta lumang linya,

Inilarawan lang ang antigong dalaga

Dahil ngayon wala nang “tala sa umaga…”

Mas tama pa NGAYON SILA’Y INUUMAGA!

 

Basta dalaga ngayon ay ibang-iba na!

‘Di na nahihiya kahit pa magpa-NGETPA!

Labas pa nga dila’t hinahawi patilya!

Waring nagpipigil sa loob ng kubeta!

DALAGANG PILIPINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with