Gumigising sa atin sa tuwing umaga,
Bihira na alarm clock madalas cellphone na!
Sounds like tilaok ng manok tila rare na ba,
Kadalasan pa nga knock on the door ni yaya!
At sa streets ngayon marami nang makikita
Na naka-headphones kaya nga nabibiktima
Ng bundol at kung ano-ano pang disgrasya!
HEADSET sounds like DEAD SYET ngek! ‘Yun ang ending nila!
They like sounds daw kaya ganon kanilang porma,
That’s why ‘di rin naririnig sound ng busina!
At ‘yun ang paksa natin ngayong nakalinya —
SOUNDS LIKE! Kung paano tatakbo bahala na!
Paghingi mo sa waiter pag tsibog tapos ka na,
TOOTHPICK sounds like TUBIG madalas na aberya!
Kaya ako nung araw may “art” pag natinga,
“Waiter, saan dito malapit na dentista?”
ORAS sounds like YOU RUSH kaya magmadali ka!
ARAW sounds like ARROW kung pwede lumipad na!
Kaya huwag mong sayangin nang nakanganga!
GISING sounds like GO SING… umawit ka’t magsaya!
Ewan ko ba’t basta na lang isang umaga,
Wari ko ba ako’y nakikipagkarera!
May binabalak agad habang nasa kama,
Nag-iisip na ba gayong nag-iinat pa!
Ganon yata talaga pag tumatanda na!
Sa oras na natitira… tira nang tira!
‘Di naman hiling na bata ka muli sana,
Mahirap na yu’t baka lahat maiba pa!
Ang NGAYON at BUKAS pinakamahalaga!
BUKAS sounds like BOOK US hala sige lipad na!
HABANG MAY LIFE sounds like HEAVEN MY LIFE o ‘di ba?
Lakbay nang lakbay! LAKBAY sounds like LOT TO BUY pa!
Pag lumilipad alapaap makikita,
ULAP sounds like ALL UP sa itaas kasama
At kapag salipawpaw ay bumababa na,
AIRPORT sounds like EFFORT kaya magsumikap ka!
Syanga pala, “Eat, drink and be merry” luma na!
Para sa Ang Poet N’yo medyo na naiba —
EAT Bulaga and DRINK your maintenance lamang s’ya!
Naturalmente may TRAVEL para MERRY ka!
TRABAHO, IPON, TRAVEL, ENJOY lang talaga!
In short TITE… sounds like TIGHT dapat ang sked mo ba!
At kung maaari ay wala nang pahinga
Dahil puro na pahinga pag REST IN PEACE na!
Ngek! He, he, he… I’m sure kayo ri’y tumatawa,
Eh totoo naman sinabi ko talaga!
Hindi ba sa trip ang saya? ANG MERRY MO HA!
Hmmm… sounds like ANG MAY RIMOWA…ano, sakay na!
Kung may magbibirong sila raw ay isama,
Ito lang ang masasabi ko sa kanila —
GUEST US? ‘Yun ba gusto n’yo para bang bisita?
He, he, he… GUEST US sounds like GASTOS pasenya na!
Wait at kung saan-saan na tayo napunta,
But dapat kasi viaje rin utak kumbaga!
WRITING sounds like RIGHT THING at ‘yun na nga talaga!
Trip-trip ‘yan at walang ubra sa ‘yong mamuna!
MALISYA sounds like MALI S’YA — may isang linya
Na pag sinabi ng boy… girl kinikilig pa!
But in truth sinasabi ni boy ang target n’ya!
Pansin n’yo bang ‘yung LOVE YA sounds like… alam n’yo na?!