‘Binabati FUKUOKA-yo ng MERII KURISUMASU!’

Bukod sa Pilipinong-Pilipino ang dirty ice cream, binibigyang pugay ko rin ang pagbabalik ng Balangiga Bells dito dahil may bell din ang sorbetero!

Natapos na mga ilang Christmas parties ko —

‘Yung sa Peregrinos de Camino de Santiago,

‘Yung BILI-GRIMS sa Holy Land kong naka-grupo,

Pati FIRST CHRISTMAS sa aming bagong studio!

 

‘Yang mga reunion Christmas parties na ito,

Puro tungkol sa pagba-viaje konektado!

At kung pinagsamahan kasi’y sa ganito,

Higit mahirap malimutan sa totoo!

 

Ang pinaka-pahinga sa lahat ng ito

Ay ang paglalakbay din ang ginagawa ko!

Kaya sa ibang lugar kami ay nagtungo

Nang sa pagbalik ay may siglang panibago!

 

Mahulaan kaya n’yo kung nasaan ako?

Hmmm … sandali lang at dadagdagan ko pa clue —

Si CUP-tain NOODLES ang kanilang superhero!

Masarap reindeer dito kapag yakiniku!

 

O, siguro naman eh nakuha na ninyo!

Kung hindi gets here’s another clue na pamasko —

Pag nag-caroling at nabigyan kanta’y ito —

“Tokyo, Tokyo, ang babait ninyo Tokyo!”

 

Kung India sagot tigilan na natin ito!

He, he, he… sa pagtitiis nyo’y arigato!

Basta I’m greeting all tulad ng title nito!

From where we are, sa inyo, Maligayang Pasko!

 

Eh hindi kasi malaman ng Ang Poet N’yo

Kung ano ang tatalakayin ngayong Linggo,

So kill time muna and hoping to kill you dead too!

Pasasaan ba’t makakabuo rin tayo!

 

Eto nga’t lumipad noong a veinte-uno,

At dito na naman sa Japan magpa-Pasko!

Kung bakit? Hmmm… eh hindi ako sigurado,

Joke lang po… Birthday ni Baby Je-SUSHI-guro!

 

Ngek! Magnyu-New Year na rin lang sa isang linggo

Eh di magpapaputok na ako nang todo —

Dito nga may mga toys na Santo… SANRIO?

At pag nagdasal sila may RAMEN sa dulo!

 

O ayan ha, meron na akong artikulo,

Patawarin po at patawa lang po ako!

But wait, there’s more, sasagarin ko na po ito —

Ang SABSABAN daw sa Hapon ay… SHABU-SHABU?

 

Pero sa usapang seryo at sa totoo,

Bukod bakasyon ka sarap dito mag-Pasko!

Malamig ang weather, joyful ang paligid mo!

Oks lang kahit maglakad kang parang regalo!

 

At kahit ano pa nga ba ang hitsura mo,

Para ka lang nasa Harajuku Fashion Show!

Ilaw at dekorasyon dito’y Paskong-Pasko!

Paskong-Pasko ka rin sa pagsa-shopping dito!

 

‘Yung “Dashing through the snow” mas bumabagay dito!

Pati “I’m dreaming of a White Christmas” pwede ‘no!

Hapon na nga rin isang kantang Pilipino —

Yung “Sa mayba-HAI! ang aming bati” o ano?

 

Major religions nila’y Buddhism at Shinto,

Subalit may puwang dito Kristiyanismo!

Sa ating relihiyon sila’y may respeto!

Respeto? Pagdating KANIN… the best RICE PA ‘TO!

 

Op kors hindi kami nagmi-MISS mag-MASS dito!

Kahit anong lengwahe pareho lang takbo!

Pati takbo ng tren nasa oras, en punto!

‘Yung sa atin? Pwedeng no comment muna tayo?

 

Kahit saan basta Pasko nasa puso mo,

At isa pang dahilan ang ditong pagtungo —

Bukod si Emmanuel pinanganak nang Pasko,

Ehem… isinilang din si EMOJI dito!

 

Isang Christmas party lang ang babalikan ko —

Ito ‘yung misis kong si Eileen lang dumalo,

Nangyari bago unang simbang gabi ito,

Theme ay FILIPINIANA ngek! Nagulat ako!

 

Eh sa pananaw ko kasi’y bihira ito!

Well, ako lang nama’y nagpapakatotoo!

Sa post ko sabi tuloy ni Berna Romulo,

“Tito Joey, it is now IN to wear a terno!”

 

Sinagot ko’y ganon ba’t ang tanga-tanga ko!

‘Di ko naisip “Filipiniana” sa Pasko!

Akala kong dahilan kung bakit nauso —

Dahil Balangiga bells binalik na dito!

Show comments