^

Entertainment

‘Sa CAIN-ta Na Ang EAT!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Sa CAIN-ta  Na Ang EAT!’
Bakit daw PULA ‘yung bagong studio namin? Eh kasi, Eat Bulaga is your DAILY RED! He, he, he...

Ang La Fletcha Amarilla o Yellow Arrow,

‘Yan ang simbolo ng Camino de Santiago,

Hindi magkakamali sa gabay na ito,

Sa ‘yo ito magtuturo ng daang wasto!

 

La Venera o Scallop another sign ‘to

Ng pagkakaisa para sa peregrino

Pagkat talukap nito kung mamamasdan n’yo —

MARAMING DAAN … SA ISA LAMANG PATUNGO!

 

Syanga pala, sa Tagalog ang bow and arrow,

Kung ‘di nagkakamali’y BUSOG at PALASO!

Kaya nangyayari nung kami’y nag-Camino,

After many yellow arrows… KAIN NANG TODO!

 

Ngek! Kaya nga sa EAT Bulaga alay ito!

At sa dami ng KINAIN naming oras n’yo!

At yaman din lang KAIN pinapaksa dito,

Tungkol sa pagkain din susunod kong kwento!

 

Sa tuwing magkikita kami ng ermats ko,

Pag nalamang naglakbay uli Ang Poet N’yo,

Na kadalasan pa’y hindi n’ya alam ito,

Banat agad, “Manang-mana ka sa ama mo!”

 

Ops, o baka iba ang iniisip ninyo!

Hindi po s’ya basta iniwan ng tatay ko!

Ang ibig n’yang sabihin ay LAYAS din ako!

Lagi bang naglalakbay … like my father kuno!

 

Ang ‘di kasi magpaalam pa sa nanay ko

Ay nakasanayan na’t dahilan ay ito —

Nung araw nung nasa nanay pa lingkod ninyo,

Tinatawagan ko s’ya kung uuwi ako!

 

Tumpak nabasa n’yo… kami’y may telepono!

‘Yung itim na mabigat ano akala n’yo?

Ayaw ko kasing mag-alala ang nanay ko,

Pag ulam pa nga’y type ko, uwi agad ako!

 

Hanggang isang araw Dabarkads ko na Sotto,

Tinawagan ko ermats at nung sya’y mag-hello,

“Ma, ‘di ako uuwi!” Then she asked, “Why hijo?”

Sabi ko, “Dito sa Hong Kong kakain ako!”

 

Ngek! Nagkatuwaan lang basta kasi grupo!

Hong Kong — Singapore pa nga ‘yun nang isang linggo!

Reclamation sa Singapore ‘di pa kumpleto!

Wala ngang bagahe at naka-shorts lang ako!

 

Naturalmente ay pinagalitan ako!

Niluto pa n’ya yata aking paborito!

Kaya mula noon para wala nang gulo,

May pasalubong na lang s’ya sa t’wing dating ko!

 

At dahil KAIN pa rin ang usapan dito,

Do you know nakalipat na kami ng studio?

December EAT este, EIGHT, kahapon eksakto!

Mabubulaga kayo… sa CAIN-ta ito!

 

S’yanga pala hindi ito alam ng tao —

Our Lady of Mount Carmel salamat sa Inyo!

For more than Twenty Years binantayan N’yo ang show!

CLOSE na CLOSE kasi tayo sa Broadway Avenue!

 

At bilang parangal sa studio naming bago,

Ang itawag sana’t pinapanukala ko,

Sapagkat s’ya bumuo ng lahat ng ito,

Estudio Antonio Tuviera! EAT eksakto!

 

Subalit huli na pala ang suggestion ko

At APT Studios na pinangalan dito!

Gayunpaman ang wish na lang ng Ang Poet N’yo —

To all of us… MABUHAY TAYO! HANGGANG GUSTO!

EAT BULAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with