^

Entertainment

Nora Aunor reacts to non-inclusion in National Artist awards

Philstar.com
Nora Aunor reacts to non-inclusion in National Artist awards
Nora Aunor

MANILA, Philippines — Nora Aunor, who has been excluded anew in the list of National Artists, questioned the criteria for choosing the award recipients who were conferred the honor this year.

In a statement sent to media, Nora, Ate Guy to showbiz insiders, further asked why she was included in the shortlist of nominees  if she is not worthy of the honor.

She inquired: "Do you have to be a sucker for the administration to receive something, even if you don't deserve it (Kailangan bang sumipsip ka sa administrasyon para ipagkaloob sa iyo kahit hindi dapat na maging sa iyo?)?"  

While life goes on for her, Nora feels bad for her fans, the Noranians, and friends who have supported her for the past 51 years of her career. She asked them to let things be, because if the award is meant for her, God will bestow it someday. 

She urged her supporters to become more united, and move on.

Nora's official statement in full:

"Noong panahon ni Pnoy  na unang napasali ang pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist lagi ko ng sinasabi na  hindi ko iniisip na maging National Artist. Sa sarili ko kasing opinyon may mga alagad ng sining tayo na naging haligi na sa industriya na masasabi kong mas karapat- dapat bigyan ng karangalan bilang isang National Artist tulad ni Dolphy at Iba pa na malaki ang naiambag nila sa industriya ng sining at kultura natin. Naging mapalad lang po ako dahil kahit papaano ay may mga  achievements ako na nagawa bilang isang artista at mang-aawit na nakikita po ng ibang  tao. 

"Nakagawa rin po  ng stage plays tulad ng ‘Minsa'y Isang Gamu Gamo,’ ‘Trojan Women,’ ‘DH (Domestic Helper)’ ito ang stage play na hindi lang dito sa Pilipinas ipinalabas kundi sa 7 lugar sa ibang bansa tulad ng Spain, Europe, LA,  Las Vegas,  San Francisco,  Seattle... Nagkaroon ng TV show na ‘Superstar’ na nagtagal ng 22 years, drama series  na ‘Ang Makulay na Daigdig ni Nora’ na halos kasing tagal rin po ng SUPERSTAR. Maliban rito, mga concerts na ginawa ko para magbigay saya sa mga kababayan  natin dito at sa  ibang bansa.  Bilang singer naman po ay alam ko po nakapagdulot naman po ako ng kasiyahan kahit papano sa mga tao. 

"Gumawa ng mga maraming pelikula na alam ko po na  muli kahit papaano ay nakapagbigay ng inspirasyon , aral , kamulatan sa mga tao. May mga pelikula rin po ako na isinali sa Iba’t-ibang film festivals abroad tulad ng ‘Flor Contemplation,’ ‘Bakit May Kahapo Pa?,’ ‘Thy Womb’ etc. Nagprodyus ng pelikula sa ilalim ng sariling movie outfit,  ang NV PRODUCTIONS. Kinilala rin ng mga tao at sa ibang bansa ang mga pelikulang ‘Tatlong Taong Walang Diyos,’ ‘Bona’ na ipinalabas sa Directors Fortnight  sa Cannes Film Festival. 

“Balik po tayo sa administrasyon ni Pnoy . Pumasok nga ang pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist. Siyempre, natuwa po  ako dahil nagbunga ang paghihirap kong  makagawa ng mga pelikulang de kalidad  at kapupulutan ng aral  ng mga tao lalo na ng mga kabataan at estudyante .  Noong tanggalin  ang pangalan ko ni Aquino sa listahan ng NA ay  nagulat po  ako at tinanong ko ang sarili ko , BAKIT?. Ang rason ni Pnoy, tinanggal  ako dahil nakulong raw ako sa states dahil sa droga na sinagot naman ng mga abogado kong sina Atty.  Claire Espina at Atty.  Edelberg na hindi  totoo.  

"May mga tao, mga kasamahan sa trabaho, mga kaibigan na nagalit lalo na ang mga NORANIANS sa pagtanggal  ng pangalang Nora Aunor sa pagiging National Artist. Hindi ako kumibo, nanahimik lang  ako.. Simula noon, nagsunod- sunod ang imbitasyon sa akin ng mga GURO sa IBA'T ibang UNIBERSIDAD tulad ng UP,  ATENEO,  DE LASALLE COLLEGE,  FEU, etc.  para parangalan  nila ako sa mga ginawa kong kontribusyon sa industriya. 

“Muli, sa administrasyon ni Duterte nagkaroon na naman ng deliberation para sa hihiranging mga National Artist.  Automatic na ang pangalang Nora Aunor sabi ng NCCA sa listahan ng tatanghaling National  Artist . Hindi na ako kasama sa deliberation dahil dapat  noong panahon pa ni Pnoy ay dapat daw ay ipinagkaloob na sa akin ang NA pero hindi nangyari.  Dito ngayon sa administrasyon ni Duterte ay naulit uli ang pagtanggal ng pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist.  Tinanong  ko na naman ang sarili ko.. Ano ba ang NATIONAL ARTIST?  Ano ang criteria ng NCCA at CCP para gawing National Artist ang  isang tao? Bakit pa nila ako isinali rito kung  hindi naman ako pala ako karapat dapat?. Kailangan bang sumipsip ka sa administrasyon para ipagkaloob sa iyo kahit hindi dapat na maging sa iyo?

“Tulad ng sinabi ko dati pa ay kung maging  National Artist man ako o hindi ay tuloy  pa rin ang takbo ng BUHAY natin.  Laking pasasalamat ko sa DIYOS  na nakapagtrabaho pa rin ako ngayon at binigyan ako ng mga totoong mga tagahanga , ilang mga kaibigan na tunay na nagmamalasakit , nagtatanggol at nagmamahal ng walang katapusan. Nalungkot lang ako at sumama ang loob ko para sa mga Noranians at mga kaibigan na nagtulung-tulong, naniniwala at nakikipaglaban sa akin mula pa sa  Tawag Ng Tanghalan hanggang  ngayon.   Ilang years na ba? 51 years na ang nakakaraan. 

“Sa mga minamahal Kong mga Noranians, mga kaibigan sa press na nagmamahal pa  rin sa akin, hayaan  na natin ang nangyari.  Kung para sa atin ipagkakaloob din iyan ng  Diyos sa tamang panahon  at   kung hindi para sa atin kahit anong pilit ang gawin natin Hindi NIYA ito ibibigay. Mas lalo kayong magkaisa,  magkasundo, at magmahalan. Nadudurog ang puso ko para sa inyo. Kalimutan muna po natin iyan. Magmove-on na po tayo at  magsimula  po tayo uli para sa ating magandang layunin para sa ating kapwa.  Ang ONANAY muna ang tanging maialay ko sa inyo na  huwag kalilimutang panoorin.  Iniaalay namin ito para sa inyo.  MAHAL NA MAHAL ko kayong lahat."

NORA AUNOR

PHILIPPINE NATIONAL ARTIST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with