Noong last Sunday sa pahayagang ito,
Nakatabi ko ang isang artikulo
Na sinulat ng isang nakasama ko
Nung nasa “Student Canteen” pa lang ang grupo!
Si Eddie Ilarde ang tinutukoy ko,
At sa sinulat n’ya ay naaliw ako —
“So, What’s In A Kiss?” ang kanyang artikulo,
KINISKIS ANG KISS… KAEPALAN NG TAO!
Bakit nga ba iba ang “react” masyado
Sa isang “pagdikit” na kakapiraso?
May inggit o galit lang ito siguro
Dun sa nasangkot sa halikan na tao!
The word KISS ay simple la’t isang silabo,
Tingin ko kung bakit naging malisyoso —
Kasalanan nung nag-Pinoy ng kiss ito!
Kung bakit kasi “halik” ay LICK ang dulo!
Ngik! Animo’y may kasamang DILA ito!
Kaya ang dating may “paglalaway” dito!
Bakit kasi ‘di na lang ginamit BESO?
Malambot at sosyal… showbiz at antigo!
Tunog pa ng BASO at lips din konektado
Dahil nga iniinuman natin ito
Pero sandali, on second thought… AYOKO!
‘Wag na la’t may katunog din ito… BOSO!
Ngek! Dehins na’t lalong nagkaloko-loko!
Kunsabagay sa Ingles man may problemo —
Kiss nga ay parang KISKIS at medyo brusko!
BUSS nama’y tunog… boobs! Ngek! Dibdiban na ito!
PECK? Ngek! Lalong ‘wag na’t tunog alam na n’yo!
‘Yan na nga ba madalas sinasabi ko —
Kahit ano ay mahahanapan ito
Ng “masagwa” depende na lang sa tao!
Halik sa Hapon at Koreano ay KISU,
Ayos na rin at katunog pa ng KESO!
At kung mapapansin dikit din sa BESO!
Bakit tila lumayo lamang ay tayo?
Kung sino man nakaisip nitong loko,
‘Di ba napansing HILIK katunog nito?
Nakakakunsumi’t abala sa sleep mo!
Buti pa Thailand tunog TSUP TSUP lang dito!
Inuulit tawag parang laro ito,
Tulad lang TUK TUK na sinasakyan dito!
But wait, ayan na naman, erase na lang n’yo!
Bad nga rin pala POK POK sa Pilipino!
Basta ‘yung kiss tawag pa ma’y kahit ano,
Tandaang batian lamang ‘yan ng tao!
Kumbaga “Hello!” at maging “I Love You!”
‘Wag lagyang malisya at kung ano-ano!
Maliban na lang kung pinipilit ito,
Hindi na maganda ‘yun, use your sentido!
Pagpapakita lang ‘yun na SWEET ang tao,
Kung ayaw maniwala LANGGAM tingnan n’yo!