‘Balutong Macao’
Ops, meron pang isang uri ng “pagnanakaw”
Bukod sa HALIK at sa TULOG nang mababaw,
Mabilisan di’t mas marami nga lang galaw,
Quickie and sounds like “pagnanakaw” … PAGMA-MACAO!
Madalas akong ma-charge at guilty sa ganyan!
But what can I do? Ako’y isang MACAOBAYAN!
Sa lahat ng lugar akin nang napuntahan,
Dito pinakamarami ‘kong nalalaman!
Halos lahat ng hotel dito’y natulugan!
Subalit ang higit ko na pinupuntahan
Kapag ang t’yan at panlasa na pag-uusapan —
Mga kainan dito na makasaysayan!
‘Yung bukas na nung marami pa ritong Briton,
Nun bang wala pang Lord Stow na pampasalubong!
Katulad ng TAI LEI LOI KEI ng mag-inang Chan
At sikat nilang CHOAPA BAO o pork chop bun!
CHU PA PAO din tawag ilan kong kaibigan!
Dinarayo ng sikat tulad ni Jackie Chan!
Baboy na gamit Brazil pa pinanggalingan!
May balahibo naman daw kahit Brazilian!
Limangpung taon na ang nasabing restaurant!
“Iconic” na kumbaga ito na kainan!
Fernando’s, Antonio’s at Litoral mga fans!
Not complete Macao visit kung ‘di pupuntahan!
At dahil nga kagagaling ko lang na naman,
Pasalubong ko sa inyo’y masisiyahan —
WHAT’S NEWS and WHAT’S COOKING dito at kaganapan —
BALUTONG MACAO itatawag natin d’yan!
Hongkong-Zhuhai-Macao Bridge malapit nang buksan!
(Lunok) This is the world’s longest sea bridge lang naman!
KOREK at KONEK nito hanggang dun sa mainland!
Tatlumpu’t apat na milya ang kahabaan!
At ayon sa aking nakuhang information —
Eighty Hongkong Dollars lang from Kowloon to Coloane!
Thirty minutes lang ang tagal ng transportation!
Celebration sa ‘di makatulog sa Hongkong!
SUGAROL na SUGAR Daddy ay SUGARADONG
Sa kanyang esposa Macao na ang dahilan!
And while nagbu-BEAUTY SLEEP si Misis sa Hongkong,
SLEEP with younger BEAUTY si D.O.M. naman!
Naturalmente ang gagamitin n’yang reason —
Konting overnight sensation este, dibersyon!
At baka si Lady Luck siya ay pagbigyan!
At kung walang luck… ‘yung LADY nandyan pa naman!
Mai-experience na rin ng kids ang CHIMELONG!
Eto ‘yung mala-higante nilang attraction!
Ocean Park at Disneyland none by comparison!
Wala ngang Mickey Mouse but they have… MIKI BIHON?
But kidding aside, malaki raw s’ya talaga!
World’s Biggest Aquarium ang tawag nga sa kanya!
Magpunta kayo dun, ako Macao lang basta!
Will just wait for their theme park… MACAO MOUSE ang bida!
- Latest
- Trending