‘R.O.C. (Raise, Out, Call) Opera’
Kailan lang nagkaron muli ng
“resurrection”
Sa National Broadcasting Company na version
Ang Jesus Christ Superstar Live on Television!
And the role of Jesus played by a Legend named John!
1970 when this rock opera was born,
Nangyari sa Broadway and West End ‘di naglaon,
1973 naganap ang film version
At sa Pinas KAMI UNA SA TELEBISYON!
KAMI, as in TV show namin na “OKAY LANG!”
Ngek! At almost FIFTY YEARS na nakakaraan!
‘Yan ang TV show naming kauna-unahan!
‘Di pa TITO, VIC & JOEY isinisilang!
Partner ko nun si Tom ng Baltic & Company —
Ricky Manalo dahil mga deejays kami,
Sotto Brothers nun Tito, Vic & Val pa dati,
At naroon din ang APO Hiking Society!
1974 Holy Week nilabas s’ya,
Ayon sa Exec Produ naming si Bong Serra,
Directed by Rollie Grande, Tito’s bowl-kada,
Channel 13 but gamit Channel 5 studios pa!
We lip synched the whole album of the rock opera,
Con todo costume, ang porma kanya-kanya,
Nung nagpilian ng roles NAGKAGULANGAN NA!
Mga MAHABA binigay sa ATENISTA!
Kami ng mga Sotto medyo na barkada,
At sa ugali pala’y magkakahilatsa!
Kaya ‘yung madadali ang aming kinuha,
‘Yung mga hard parts pinaubaya sa iba!
Si Jim Paredes ang JC kaya s’ya bida,
Si Danny Javier nag-HUDAS este, role lang ba!
Pilato si Boboy Garovillo kumuha,
At si Ricky Manalo Herodes nga pala!
Kami namang tatlo at TVJ hindi pa,
Dahil Direk at Produ amin ding barkada,
Medyo “spoiled” kami sa mga roles na kinuha,
‘Yun bang MADALING DAYAIN at KONTI LINYA!
Pinili ko agad ‘yung papel na San Pedro —
Ang nag-deny sa Panginoong Hesukristo,
Dahil maikli lang dito ang sinabi ko —
“NO, NOT ME!” Meron pa bang mas iikli dito?!
Mas malupit pa rin ‘yung Tito at Vic Sotto,
Papel na Caiaphas at Annas nakuntento,
Mas mahahaba mga linya sa totoo,
But ‘di kita bibig! Ang lalapad ng kwelyo!
Covered lagi ang bibig at ‘yun ang ideya,
At para sigurado merong hand acting pa!
Bulungan nang bulungan hitsurang Dracula!
Kaya nili-lip sync hindi n’yo makikita!
Kaya nung mga araw na rehearsals na,
Waring nagpepenitensya iba sa linya!
Hawak ang script at nakikinig ng plaka,
Samantalang kaming tatlo… hawak … BARAHA!
Ngek! Poker nga pala ang laro nun ng grupo,
Laway na laway din si Hudas at Pilato!
Si Jim lang yata ‘di nagpo-poker sa APO,
If not true… BAD pa ring mag-raise and call Ang Kristo!
Kaya nangyari sa taping namin talaga
Ay R-O-C for Raise, Out, Call o ROC OPERA!
At sa huli Ang Poet N’yo ay sumabit pa
Ng Five Hundred kay Pilato’t utang pa rin n’ya!
Yes, may IOU na Five Hundred pesos ako,
‘Di na nabayaran kay Poncio Garovillo!
Seventies pa! Tumubo na ito sa bangko!
Don’t worry Boboy, sagot ka na ni San Pedro!
- Latest
- Trending