‘Tapos kasal ko sa simbahan at hukuman,
Ngek! Oo nga pala ‘no… DOUBLE WEDDING ganon?
Back to Beautiful Japan… or MAGANDANG HAPON?
Honeymoon sabay HANAMI! In all, HANIPPON?!
Halos full bloom na nun cherry blossoms sa Tokyo!
Kaya saktong-sakto tiempo, arigato!
Diretso agad sa Gyoen Park sa Shinjuku,
Naturally, kodakang umaatikabo!
Where to go and what to do care of ni Jocas na,
Pati mga piktyuran “Sweet Escape” kinontrata!
Op kors, I made purge na naman sa tempura!
At sa KANIN PA LANG ULAM NA na rice nila!
Pangatlong sakura experience ko na ito,
Pero nun sa tabi-tabi lang pumepwesto!
Dahil Gyoen more than one thousand trees daw dito,
Dun kami GO! Ngek! Ang tao rin LIBO-LIBO!
Eto na, nawala nga pala sa isip ko
Na mga anak namin ni Eileen na tatlo —
Si Jocas Eightria, si Jio at si Jako,
Lahat mahilig kumain ng HILAW o RAW!
At nung second morning nga ay niyaya ako
Sa Tsukuji Market, fresh lahat seafood dito!
Aba at ang aaga gumising! Milagro!
Mabait namang erpats nakiloko-loko!
Nang dumating na order nilang plato-plato —
SASHIMI na may tumpok pang UNI! Oh no!
Nag-panic attack ako! Papa’no na ako?
Ayun, nakiusap i-blow torch ‘yung hipon ko!
Ang one and only kain ko ng hilaw o raw
Ay nuon pa pero sa restaurant ni JIRO!
At saka 22-course pa nga yata ito!
Tubig lang, sake o tsaa lang panulak mo!
Basta no soft drinks kaya pagtiisan ninyo!
Kaya pag-BYE… BUY agad Coke na puro yelo!
May mga rules and regulations pa nga dito —
Pag may nag-“may I go out” tigil ang serbisyo!
Sa una’y tatanungin customers na walo —
Sa sushi at sashimi ano ang Part One and Two?
Pinili nami’y sushi nang may laman na t’yan ko,
Don’t bite the sushi, isang buo subo nito!
Nice sa Hapon laging may happening na bago!
Tulad iniskrambol na itlog o tamago,
‘Yung medyo sweet aba ngayo’y tinuhog pa ‘to!
Ginawang ice drop kaya POPSILOG tawag ko!
Maganda sa Hapon kanilang disiplina,
Kahit maghintay nang oras sila’y pipila!
Sila’y malikhain at nakatutuwa pa —
Kahit ano yata naipagdiriwang ba!
Katulad noong two weeks aga alam n’yo ba?
While we’re greeting “Happy Easter!” sa isa’t isa,
Doon sa Kawasaki sa may Kanagawa,
Penis Festival naman ang pinaparada!